87-anyos na mister inaalagaan ang kaniyang 83-anyos na misis kahit pa pareho silang nagpositibo sa COVID-19!



Sabi ng mga nakatatanda, ang pag-aasawa raw ay hindi isang mainit na kanin na kapag iyong isinubo at napaso ka ay maaari mong iluwa. Ito ay isang napakalaking desisyon sa buhay ng dalawang tao at magiging panghabang-buhay na pangako na sa bawat isa ang wagas at tunay na pagmamahal.



Kaakibat din naman ng pagkakaroon ng pag-aasawa o ang paglagay sa tahimik ang pagkakaroon ng sariling pamilya at mga anak. Tunay nga na wala nang mas hihigit pa sa biyaya ng masaya at kuntentong pamilya. Ngunit sadyang nagiging masaya at kuntento ang isang pamilya kung tunay na nagmamahalan ang haligi at ilaw ng tahanan sa kabila man ng mga pagsubok


Tunay nga na naantig ang puso ng maraming mga netizens sa mag-asawa na ito na sa kabila ng kanilang katandaan ay talaga namang makikita pa rin ang wagas na pagmamahalan nila sa isa’t-isa. Kahit pa nagpositibo silang pareho sa nakakatakot na sakit na Novel Coronavirus ay hindi ito naging hadlang upang alagaan ng mister ang mahal niyang asawa. Sa edad na 87 taong gulang ay nagawa pang magtungo ng mister sa kwarto ng kaniyang misis na positibo rin sa COVID-19. Noong una ay ayaw pang kumain ng misis ngunit nang pinuntahan na siya ng kaniyang mister ay kumain na itong muli.


Nakakaantig ng damdamin dahil sa kabila ng sakit o kahit sa kabila ng kanilang edad ay hindi pa rin makatiis ang mister na masilayan at maalagaan ang kaniyang kabiyak. Tunay nga na sana maranasan din natin ang ganitong uri ng wagas na pag-ibig na bibihira lamang ang nakakatagpo.


Maraming mga netizens ang nananalangin na sana ay tuluyan nang gumaling ang mag-asawa na ito mula sa naturang sakit upang mas maging masaya pa sila sa mga nalalabing sandali nila nang magkasama. Ang mag-asawang ito ang nagpapatunay na “True love conquers all!”






error: Content is protected !!