“Bangerahan” noon naghatid ng maraming mga magagandang alaala ng ating kabataan!



Bilang isang Pilipino, napakarami nating nakasanayang tradisyon at kaugalian na talaga namang naging bahagi ng masaya at hindi malilimutan nating kabataan. Ilan pa nga sa mga kaugaliang ito ay ginagawa pa rin natin hanggang sa ngayon. Kahit pa moderno na ang karamihan ng marami sa atin at kahit pa napakalaganap na ng social media at kabi-kabilang mga mamahaling gadgets ang mabibili sa merkado. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang larawan na ito mula sa Facebook page na “Batang Pinoy-Noon at Ngayon” kung saan makikita ang isang kakaiba at tila makaluma na lagayan ng mga plato. Ito ay kilala rin sa tawag na “bangerahan”.



Ang “bangerahan” pala na ito ay ang nakagawian nang paglagayan ng mga plato, baso, kutsara at tinidor noong araw at talaga namang makikita dito ang isang maaliwalas at presko na bahagi ng bahay. Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang masasayang alaala tungkol sa kanilang “bangerahan”.

Mayroong isang netizen na nagsabing naaalala niya ang simpleng buhay nila noon sa tuwing nakakakita siya ng ganitong larawan. Mayroon din namang ilang netizens na nagbahagi na bukod sa ganitong klase ng lagayan ng mga pinggan ay mayroon din silang inumin sa banga noon, lalagyan ng tubig sa batalan o tapayan, nagsasaing din sila sa palayok na talaga namang napakasarap kapag naluto na, at ang pag-igib nila sa bukal ng libre at walang bayad.


Tunay nga na nakakabilib ang simple at payak na pamumuhay noon. Marahil ay napakasarap mamuhay noon na simpleng pamumuhay, simpleng pananamit, at simpleng pagkain lamang sa hapag-kainan ay masaya na ang buong pamilya lalo na kung masaya, kumpleto, at kuntento ang pamilya. Wala din namang masama na mayroon na ngayong napakaraming mga masasarap na pagkain at inumin na mayroong mga abot-kaya ang presyo habang mayroon din namang medyo mabigat sa bulsa. Kung noon ay simple lamang ang kasuotan, ngayon ay halos taon-taon ay mayroong nauusong bagong istilo ng kasuotan o mismong paraan ng pagdadamit o pagbibihis. Talaga namang nakakamiss din ang dating pamumuhay natin hindi ba? “Less hassle”, “less stress” kung ilarawan ng marami.




error: Content is protected !!