Estudyanteng “with honors” binigyan ng simpleng regalo ng kaniyang guro na nagpabilib sa maraming mga netizens.



Ang pagiging isang guro ay isa sa pinadakilang propesyon noon hanggang sa ngayon. Talaga namang hindi masusukat ang kanilang dedikasyon at sakripisyo sa kanilang trabaho. Ang mga dakilang guro sa ating bansa ang humuhubog sa maraming mga kabataang Pilipino upang maging isang mabuting mamamayan at isang mabuting tao. Kung kaya naman marami pa rin sa mga kabataan ngayon ang nagnanais maging isang guro sa kanilang pagtanda.



Kamakailan lamang ay isa na namang guro ang naging usap-usapan sa social media dahil sa simpleng regalo nito sa kaniyang estudyante na nagkamit ng “with honors”. Batid naman ng marami sa atin ang ginagawang pagkilala sa mga paaralan sa mga natatanging mag-aaral sa bawat markahan at sa isang buong taon. Para sa ikatlong markahan ay mayroong simpleng handog si Teacher Lem para sa kaniyang mag-aaral. Bukod sa sertipiko na iginawad nito sa mahusay na mag-aaral para sa ikatlong markahan ay nagbigay din ito ng isang garapon ng kilalang wafer stick brand na “Stik-O” at mga makukulay na panulat.

Talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens ang ginawang ito ng guro dahil sa pagbibigay halaga nito sa pagsusumikap ng kaniyang mga mag-aaral. Kahit sa simpleng bagay lamang ay talaga namang naglaan siya ng panahon at ng kaunting halaga ng salapi upang mas mabigyan pa ng inspirasyon at motibasyon ang kaniyang mga mag-aaral.



“Simple treats to my 3rd grading list of students with honors. Congratulations!” ito ang naging caption ng guro ng ibahagi niya ang ilang mga larawan ng kaniyang mga estudyante at ang simpleng handed nito sa kanila. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 5,400 na mga reactions ang viral na post na karamihan ay “love” reactions, mayroon na din itong higit sa 865 comments, at 18,000 shares habang isinusulat ang artikulo na ito. Marami ring mga netizens ang nagbigay papuri at pagsaludo sa guro na ito dahil sa kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniyang mga estudyante.




error: Content is protected !!