Heart Evangelista, nagpadala ng regalo sa Grade 4 na estudyanteng nabasted ng kaniyang crush dahil sa hindi pagkain ng gulay!



Marahil ay nabalitaan n’yo na rin sa telebisyon o di kaya naman ay nabasa sa social media ang tungkol sa batang mag-aaral na nasa ika-apat na baitang na ng elementarya na nabasted ng kaniyang crush dahil sa hindi pala ito palakain ng gulay! Ang batang ito ay nakilala bilang si “Eman” na talaga namang kinaaliwan ng maraming mga netizens.



Ngunit sa kabila ng pagkakabasted na ito ay talaga namang napukaw niya ang atensyon ng isa sa pinakamaganda at pinakahinahangaang artista sa telebisyon, si Heart Evangelista-Escudero.
Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero na mas nakilala ng publiko bilang si Heart Evangelista ay 35 taong gulang na Kapuso actress, host, visual media artist, philanthropist, at isang socialite. Binansagan rin siya bilang “Queen of Creative Collaborations”.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang kaniyang naging simpatya kay Eman matapos itong mabasted ni Danica dahil lamang sa payat daw ito at hindi kumakain ng gulay. “Heartbreaking” inilarawan ni Heart ang naging pangyayaring ito, ayon pa sa sulat ni Danica ay may iba na itong crush na pinangalanan niyang “Inoy”.


Ibinahagi din ng sikat na social media influencer ang larawan ni Eman na mayroong isang malaking kahon sa kaniyang tabi na puno ng maraming mga pagkain. Nilagyan ito ni Heart ng caption na “Happy Valentine’s Day, Eman. In time you will find your one true love.” Ikinagalak naman ng aktres ang naging sagot ni Eman sa kaniya sa pamamagitan ng isang liham kung saan nagpapasalamat ito sa regalo ni Heart at binati din niya ito sa kaniyang kaarawan.


Bukod pa rito ay nangako siyang kakain na ng maraming gulay upang tumaba na siya. Tunay nga na bata pa sila at marami pa silang kakaining bigas ngunit kahit papaano ay nakakatuwa pa ring makakita ng mga ganitong uri ng kwento sa mga batang paslit na dati-rati.






error: Content is protected !!