Viral post ng isang netizen, “Ngayon lang kayo makakakita ng house and lot ba naglilibot sa mall”



Sino ba naman sa atin ang hindi nangarap magkaroong ng sarili nating sasakyan, negosyo o bahay at lupa? Talaga namang ito na nga yata ang ilan sa mga bagay na ninanais ng marami sa atin. Ito ang ilan sa mga bagay na materyal na pinagsusumikapan natin lahat na makamit. Nagsusumikap tayo sa ating mga trabaho sa loob man o sa labas ng bansa hindi lamang upang masuportahan at mabigyan ng komportableng buhay ang ating mga mahal sa buhay ngunit upang matupad din ang ating pangarap na makapagpundar ng mga mahahalagang bagay na ito para sa ating sarili at sa ating pamilya.


Kung marami sa atin ang talaga namang nasasabik nang magkaroon ng sarili nating bahay at lupa na talaga namang masasabi natin sa atin talaga, naging usap-usapan naman sa social media ang larawan na ito na post ng netizen na nakilala bilang si Mark Batle at mayroon ding caption na “Ngayon lang kayo makakakita ng house and lot ba naglilibot sa mall”. Maraming mga netizens ang na-curious kung ano nga ba talaga ang kaniyang ibig sabihin sa kaniyang post.



Ilang mga netizens ang nagkomento na ang tinutukoy ng netizen ay ang mamahaling sapatos na suot suot ng isang babae na nakita niya sa isang boutique ng mall na halos kasing-halaga na rin ng isang house and lot! Ilan pang mga netizens ang nagkumpirma na higit sa isang milyon hanggang tatlong milyong piso diumano ang halaga ng naturang sapatos. Habang ang ilan naman ay nagsasabing mali ang impormasyong kumakalat dahil nasa P100,000 lamang ang halaga ng sapatos na ito.


Ang naturang sapatos ay “Air Jordan 1 High” na diumano ay collaboration ng “Nike” sa pamosong French fashion house na “Dior”. Ayon din naman sa Facebook Page na “Ovrnundr”, ang high-end na sapatos na ito ay lilimitahan lamang sa 1,000 mga pares sa merkado at magkakahalaga diumano ng $2,000 o mahigit sa P100,000. Ang limited edition na Dior x Air Jordan 1 ay ila-launch pa
lamang sa buwan ng Hunyo 2020.





error: Content is protected !!