Estudyanteng naging matapat kung bakit hindi siya nakasagot sa kanilang exam, viral sa social media!



Para sa maraming mga mag-aaral, ang pagkakaroon ng mataas na marka sa mga pagsusulit sa paaralan ay napakaimportante. Kadalaasan na natatakot silang mapagalitan ng kanilang mga magulang na mahigpit at istrikto pagdating sa kanilang pag-aaral.



Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga mag-aaral ang humahantong sa puntong gagawin ang lahat, kahit pa mandaya sa exam makakuha lamang sila ng mataas na marka! Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mag-aaral na ito dahil sa pambihira niyang katapatan at sa pagsasabi niya ng tunay na rason kung bakit hindi siya nakasagot ng maayos sa kanilang naging exam. Labis namang humanga ang kaniyang guro na ibinahagi pa sa social media ang naturang kwento.

Ang guro na nagpost ng naturang viral photo sa social media ay walang iba kundi si Teacher Rinzie Vargas. Siya ay isang instructor ng senior high school at college sa ACLC College sa Mabalacat. Ayon sa guro ay nasorpresa talaga siya ng mabasa ang iniwang note ng kaniyang estudyante sa sagutang papel nito dahil sa inakala talaga nang guro na sinasagutan na ng estudyante ang kanilang exam. Hindi naman naitago ng guro ang labis niyang paghanga sa estudyante niyang ito dahil sa mas mahalaga pa rin para sa kaniya ang karakter ng isang tao kaysa sa pagnanais nitong makakuha ng mataas na marka sa tulong ng pandaraya o iba pang hindi kanais-nais na gawain.



Napag-alaman ng guro na nung araw mismo ng kanilang leksyon ay hindi pala nakapasok ang estudyante dahil sa naaksidente ito. Kung kaya naman wala talaga itong ideya sa kung ano ang naging leksyon nila nung araw na iyon. Umani ng napakaraming komento at reaskyon ang guro at ang mag-aaral mula sa mga netizens. Napagdesisyunan naman ng guro na bigyan ng special exam ang estudyante upang makapaghanda ito at makapagreview bago ang gagawin niyang pagsusulit.




error: Content is protected !!