Isang ina pinayagang makuha ang cellphone na gusto ng kaniyang mga anak ngunit “installment basis” ito!



Ang entreprenyur na si Michelle Mangahas ay isa ring ina. Mayroon siyang tatlong anak na sina Mark 14-anyos, si Mika 11-anyos, at si Matthew 6-anyos. Gaya ng maraming mga kabataan sa ngayon ay nais din ng kaniyang mga anak na magkaroon ng sarili nilang mga cellphone ngunit malimit na lumang mga cellphones lamang ang ipinapahiram niya sa mga ito.



Kalaunan ay pumayag na rin naman ang single mom na si Michelle na makuha ng kaniyang mga anak ang kanilang gusto ngunit sa isang kondisyon, “installment basis” ang ginawa niyang patakaran para sa kaniyang mga anak kung nais talaga nilang magkaroon ng cellphone.


Ayon kay Michelle, mayroon naman nang mga ginagamit na cellphone ang kaniyang anak na 14 na taong gulang at 10 taong gulang ngunit hindi pa rin talaga niya lubos maisip kung bakit nagnanais pa ang mga ito na bumili ng bagong cellphone na nagkakahalaga ng P10,000 na para sa kaniya ay talaga namang malaking halaga na ng salapi dahil sa siya ay isang single mom! Ngunit sinabi naman sa kaniya ng mga anak na hindi na ganoon kaganda ang kanilang lumang cellphone kung kaya naman nais na nilang bumili ng bago.


Pahayag pa ng kaniyang anak ay hindi maganda ang “camera” ng kaniyang lumang cellphone na nabili nila noon sa halagang P2,700 habang si Mika naman ay naman ay nakuha ng libre ang kaniyang cellphone dahil sa “postpaid plan” ng kaniyang mommy Michelle noong siya ay nagkamit ng award sa school ngunit dalawang taon na rin ang tanda ng kaniyang cellphone.


Pinaliwanagan naman ng ina ang kaniyang mga anak na hindi obligasyon ng mga magulang na bilhan ng magagarang cellphone ang kanilang mga anak dahil mas kinakailangan nilang pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng sapat na makakain sa mga ito sa araw-araw. Kung kaya naman naisip ni mommy Michelle na gawing installment basis ang pagkakaroon ng cellphone ng kaniyang dalawang anak. Nakakuha ng halagang 3,700 mula sa kaniyang savings is Mark habang P5,000 naman ang naipon ni Mika sa kaniyang savings. Unti-unti nilang hinuhulugan sa kanilang mommy ang ipinangbili ng kanilang cellphone mula sa natitirang nilang allowance.






error: Content is protected !!