Ivana Alawi nakipagkulitan sa kaniyang ina at kapatid habang tinuturuan niya sila kung paano siya mag-pose!



Isa na marahil sa pinakasikat na social media influencer ngayon ay ang kapatid ni Mona Louise Rey ng GMA network na si Ivana Alawi.

Bukod sa angking kagandahan at talento nito ay talaga namang pinapantasya rin siya ng maraming mga kalalakihan.



Photo: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa katunayan ay maraming mga misis at nobya na rin ang talagang nagseselos dahil sa pagiging fan ng kanilang mga kabiyak at nobyo sa Kapamilya actress na ito.


Tunay nga na nagsimula siya sa pinakamabababang simula ng kaniyang karera bilang isang artista hanggang makamtan niya ang kaniyang kasikatan at katanyagan sa ngayon.

Kahit pa baguhan ito sa social media ay talaga namang umani na ng napakaraming mga followers at subscribers ang kaniyang mga accounts bukod pa sa milyong-milyong views ng mga ito.


Photo: Ivana Alawi Youtube Channel

Talaga namang kinagigiliwan ng maraming mga netizens ang pagiging kwela ni Ivana at ng kaniyang pamilya. Nakakatuwang makakita ng ganitong klase ng samahan sa isang pamilya.



Dahil nga kinakailangan ng bumalik ng Pilipinas ni Ivana dahil sa nalalapit niyang proyekto sa ABS-CBN ay naghandog muna ito ng nakakatuwang vlog para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

Photo: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa naturang video ay nag-iimpake na ng bagahe ang aktres at nagpapaalam na sa kaniyang ina at kapatid na tiyak diumanong mamimiss nito pagbalik niya ng bansa.

Matapos nito ay nagsimula na ang kanilang pagkukulitan kung saan tinuruan ni Ivana ang kaniyang ina at ang kapatid niyang si Ivana kung paano nga ba ang “Ivana pose”.



Talaga namang giliw na giliw ang maraming mga netizens dahil game na game ang kaniyang ina at ang kaniyang kapatid sa pagpopose mala-Ivana Alawi.

Talaga namang kapansin-pansin din ang pag-awra ni Ivana kasama ang kaniyang pamilya. “Signature pose” kung tawagin ng marami ang itinuturo na ito ni Ivana.

Pinakaaabangan na ng marami ang nalalapit na proyekto ni Ivana na kamakailan lamang ay pumirma na ng kontrata sa Kapamilya network na matagal na niyang pinapangarap.

Source: Ivana Alawi Youtube




error: Content is protected !!