Inday Sarah Duterte, sinorpresa ang publiko sa kaniyang bago at astig na hairstyle!



Talaga namang ikinagulat ng publiko ang bagong hairstyle ng anak ng Presidente Duterte na si Inday Sarah. Agad napansin ng maraming mga netizens ang bagong istilo ng kaniyang buhok na talaga namang ikinabigla ng maraming mga netizens.



Si Inday Sarah mismo ang nagbahagi ng kaniyang larawan sa social media kung saan nilagyan pa niya ito ng caption na “Boy stories”. Nagbahagi rin ang Faceabook Page ng lokal na pamahalaan ng Davao ng larawan ng Davao City Mayor habang ito ay nasa isang pagpupulong ng konseho.


Hindi na naawat pa ang maraming mga netizens na batiin at mapakomento sa bagong hairstyle ng alkalde. Mayroong isang netizen na nagsabing mas gwapo pa ang alkalde kaysa kay Vice Mayor Baste. Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens patungkol sa astiging hairstyle ni Inday Sarah.


“My idol Inday Sarah! Your new haircut looks like a sign of being brave and fearless! Our future president of the Philippines.” Komento ng isang netizen.
“Looking fierce si Madam! Love her new look astig.” Pahayag pa ng isang netizen.



“Kuyawag buhok ui. Hehe carry jud na ni mayora kay gwapa man ka.” Pahayag pa ng isang residente ng Davao.
Noon pa man ay kilala na si Inday Sarah sa kaniyang kakaibang istilo ng kaniyang pananamit at maging sa kaniyang kilos at galaw. Noong taong 2015 ay pinaahit niya ang kaniyang buhok sa ulo bilang pagsuporta sa kaniyang ama at pagkumbinsi dito na tumakbo sa 2016 Presdential election.

“Nagpa-upaw nalang ko samtang naghulat #Duterte2016 #kalboparasapagbabago #NohairWecare bisan walay kwarta, bisan way makinarya, bisan mapildi #justDUit.” Ito ang naging pahayag niya noon.



Ang kaniyang pahayag ay nagsasabing ipinaahit na niya ang kaniyang buhok habang naghihintay sa desisyon ng kaniyang ama patungkol sa pagtakbo nito bilang Presidente ng bansa. Ang pagpapatanggal niya ng kaniyang buhok ay sumisimbolo na nagmamalasakit siya at kahit pa walang pera o makinarya o matalo man sa eleksyon ay nanaisin pa rin niyang suportahan ang kaniyang ama para sa inaasam na pagbabago.




error: Content is protected !!