Isang kompanya sa Cebu naghahanap ng mga “Mukbangers” para sa kanilang bagongYouTube channel na kayang umubos ng sampung burgers sa isang upuan!



Tunay nga na malaki na ang pinagbago ng naging pamumuhay natin noon sa pamumuhay natin sa ngayon. Hindi lamang sa mga kasuotang nakasanayan nating isuot, sa mga lugar na nakasanayan nating puntahan kung hindi maging sa mga pagkain na nakasanayan na nating kainin. Ngunit alam mo bang mayroong isang kompanya na magbibigay ng trabaho sa sinumang nagnanais maging isang “Mukbanger”.

Isa ka ba sa mga Pilipinong masarap at maganang kumain? Marahil ay ikaw na nga ang hinahanap ng isang kompanya na ito na nakabase sa Cebu. Naghahanap ang kompanya ng mga “Mukbangers” para sa kanilang mga videos. Ayon sa anunsyo ng kompanya ay nagbabalak sila na gumawa ng Mukbang YouTube channel nila sa Lapu-lapu City Cebu. Ang “Mukbang” ay isang “online audiovisual broadcast” kung saan kumakain ng pagkain ang host habang nakikipag-usap sa kaniyang mga manunuod o tagasubaybay.

Simple lang naman ang hinahanap nilang “Mukbanger” at ito ang ilan sa mga working tasks ng magiging “Mukbanger”ng kanilang kompanya. Una na riyan ang kakayanang kumain sa harapan ng camera, dapat din ay kaya nitong maging host sa isang YouTube video, kinakailangan din na marunong itong magbigay ng iba pang ideya o konsepto. Bukod sa minimum na sweldo ay mayroon ding magiging incentive ang mapalad na matatanggap sa naturang trabaho. Ilan sa mga kwalipikasyon sa naturang trabaho ay malusog o physically fit, kayang kumain ng higit sa sampung burgers, o noodles, o limang buong manok, mayroong humor upang masiyahan ang mga manunuod, kayang kumain ng maayos at malinis tingnan, kahit high school graduate ay maaaring mag-apply basta’t ipadadala lamang ang kanilang sampung mga larawan at resume sa [email protected]




Maaalalang taong 2010 nang maging patok sa South Korea ang ganitong klase ng palabas na talaga namang tinangkilik at ginaya na ng maraming mga celebrities at online vloggers. Talaga namang mapapa-Food is life ka kung ikaw ang papalaring maging “Mukbanger” ng kompanya. Nagawa mo na ang iyong hilig na pagkain, nasiyahan ka na at nakasweldo ka pa!



error: Content is protected !!