John Lloyd Cruz namataan sa isang sabungan na talaga namang enjoy na enjoy!



Ang aktor na si John Lloyd Cruz ay isa sa pinakahinahangaang aktor sa industriya ng show business dahil sa kaniyang pambihirang talento sa pag-arte. Siya ay isinilang noong Hunyo 24, 1983. Kilala din siya bilang si JLC at Lloydie. Nadiskubre siya ng isang talent scout noong kasama niya ang kaniyang barkada sa isang mall. Taong 1996 ng magsimula ang kaniyang karera bilang isang teen actor.


Hindi na bago sa publiko ang naging showbiz hiatus ng aktor noong 2017 kung saan namuhay siya ng simple at masaya sa siyudad ng Cebu kasama ang dati niyang nobyang si Ellen Adarna. Dahil sa pangyayari na ito ay marami sa kaniyang mga tagahanga ang nalungkot dahil sa hindi na nila madalas makita ang paborito nilang aktor.



Ngunit nabuhayan ang publiko nang magkaroon siya ng cameo appearance sa historical drama film na “Culion” noong 2019. At maugong ang usap-usapan na muli na siyang magbabalik sa show business.



Ayon sa ilang mga ulat ay pagbibidahan niya ang bagong pelikula na mula sa panulat ng batikang writer na si Ricky Lee at mahusay na direktor na si Lav Diaz. Gagampanan ni John Lloyd ang karakter ni Servando Sais na miyembro ng isang mayamang pamilya.


Sa kabila ng kabi-kabila niyang mga proyekto ay hindi pa rin niya nalilimutang magsaya paminsan-minsan. Sa katunayan ay namataan kamakailan lamang sa isang sabungan ang aktor. Makikita ang aktor na nakasuot ng asul na polo at nakasuot ng body bag at talaga namang makikita ang saya sa mga mata nito.


Umani ng samu’t-saring mga komento mula sa publiko ang mga larawang ito ni John Lloyd. Marami sa mga netizens ang natutuwang makita na masaya na muli ang aktor sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan habang ang iba naman ay nagkomento na marahil ay namana ng aktor ang hilig niya sa sabong dahil sa isang sabungero din ang kaniyang ama.






error: Content is protected !!