Netizens namangha sa work-at-home mom na ito na nagpapatakbo ng dalawa niyang negosyo sa loob lamang ng kaniyang tahanan!



Sabi nila, isa na marahil sa pinakadakilang gampanin na magagawa ng isang indibidwal ay ang pagiging isang ina. Tunay nga na hindi madali ang maging isang ina at ang maging isang misis. Bagamat simple at madali para sa iilan ngunit talaga namang magkaiba pa rin ang obligasyon ng isang ina at ng isang asawa sa kanilang mga anak at sa kaniyang mister.



Ngunit sa kabila ng pagiging mahirap nito ay marami pa ring mga nanay sa panahon natin ngayon ang gumaganap bilang isang ina, isang asawa, at isang empleyado o manggagawa. Hindi rin maging madali ang maging isang working mom ngunit hindi ito nangangahulugan na madali maging isang stay-at-home mom.

Ngunit bukod sa dalawang ito ay mayroon din palang tinatawag na work at home mom kung saan masasabing full-time housewife o full-time mom ang isang babae at bukod pa rito ay mayroon din siyang trabaho na pinagkukuhanan niya ng sweldo o kita.


Ang kwento ng isang mommy na nakilala sa pangalang Eaye Cano ay talaga namang nagpamangha sa publiko. Ayon sa artikulo na inilathala ng “Smart Parenting” ay napagdaanan na ni Cano ang lahat ng stage magmula sa pagiging isang working mom, stay-at-home-mom, at work-at-home mom.


Nagawa na niyang magtrabaho noon sa administration and information technology industry noong siya at ang kaniyang pamilya ay nasa Dubai pa. naging isa na siyang stay-at-home-mom nang umuwi sila sa Pilipinas at nadiskubre na ang kaniyang anak na lalaki ay mayroon pa lang autism. Bagamat hindi naging madali ang kinaharap nilang pagsubok ay nanatiling matatag ang kaniyang pamilya dahil na rin sa kaniyang pagiging matatag na ina at asawa.




Sa ngayon ay work-at-home mom na siya kung saan pinapangasiwaan niya ang kaniyang dalawang negosyo na noon ay hobbies lamang niya. Hilig niya talaga noon pa man ang pamimili ng mga damit, bag, alahas o iba pang mga gamit at mahal din niya ang pagbebake.

Kung kaya naman itinayo niya ang Boutique.Mnl.Ph at ang Blissful Bites na talaga namang nagsisilbing inspirasyon sa marami pang mga ina at mga kababaihan na katulad niyang may mabigat na pagsubok ding kinakaharap.