Balik-tanaw sa nakaraan: Naranasan mo din bang maturuan ng iyong ina sa pisara na ito?



Napakaraming mga magagandang alaala ang talaga namang iniingatan natin hanggang sa ngayon magmula sa ating kabataan hanggang sa mga panahon na tayo ay umedad na o nagkaroon na ng sarili nating pamilya at mga anak. Ngunit wala pa rin talagang hihigit sa mga alaalang mayroon tayo kasama ang ating mga magulang na talaga namang nagmamahal at nagmamalasakit sa sa atin.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan ng isang lumang pisara ang netizen na si Mark John Manalo na ibinahagi niya sa Facebook Page ng “Memories of Old Manila”. Talaga namang nagdulot ang mga larawang ito ng mga masayang alaalang bumabalik noong araw na tayo ay musmos pa lamang.

Marahil ay isa ka rin sa mga kabataang Pilipino na nakaranas gumamit ng maliit at berde na pisarang ito na mayroong makukulay na mga letra at numero.

Bukod pa rito ay mayroon ding makikita na maliit na orasan dito, mga pangunahing hugis,at mga bahagi ng ating katawan.

Isa ka ba sa mga batang pasaway noon na mahilig maglaro ngunit pagdating sa pag-aaral ng leksyon ay nawawalan na ng gana? Marahil ay mayroon din kayong naging magandang alaala mula sa pisarang ito.

Tunay nga na hindi pa rin lumilipas ang mga alaala ng nakaraan kung saan naranasan nating mapagalitan, at mapuri ng ating mga magulang dahil sa ating kakayahang magsulat at magbasa kahit mga bata pa lamang tayo.

Nakakatuwang isipin na kahit marami pa tayong hindi alam noon ay hindi sumuko ang ating mga magulang na turuan tayong gumuhit, magsulat, at magbasa hanggang sa lubusan na nating matutunan ang mga ito.

Kung kaya naman bukod sa pisarang berde na ito ay mas naaalala natin at mas nararamdaman natin ang pag-aalaga, pagkalinga, at pagmamalasakit sa atin ng ating mahal na mga magulang noon hanggang sa ngayon na naging matagumpay na tayong indibidwal.

Kung kaya naman nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating mga mahal nating magulang na siyang humubog sa kung anuman tayo ngayon.


Similar Articles

Comments

LATEST POST