Isang guwardiyang “chichirya” lamang ang ulam sa kabila ng mahaba niyang duty sa trabaho, umantig sa puso ng publiko!



Hindi mapigilan ng maraming mga netizens ang maantig sa kwento ng isang guwardiya na ito na talaga namang nagsasakripisyo ng husto sa kaniyang trabaho mayroon lamang maipadala sa kaniyang pamilya sa probinsiya. Ang larawan ng masipag na guwardiya na ito ay mula sa Facebook Page ng “Hospitality Problems” na kuha naman ni Ralph Reymond Hermano Getanes.

Ayon sa viral post kung saan makikita na “chichirya” lamang ang ulam ng naturang guwardiya ay marami diumano siyang sinusuportahan sa Cotabato kung kaya naman hindi na siya gumagastos pa para sa kaniyang uulamin.



Bagamat diretso at mahabang oras ang kaniyang gugugulin sa kaniyang trabaho na ito lamang ang laman ng tiyan ay hindi niya ito alintana at buong kasiyahan pa rin siyang kumakain ng kaniyang baon. Dagdag pa niya ay sanay na siya sa ganitong klase ng pagkain.


Mas kumurot pa sa puso ng publiko ang kaniyang mga naging pahayag na kung makapagtapos na ang kaniyang mga sinusuportahan sa kanilang pag-aaral ay hindi na siya mag-uulam pa ng “chichirya” lamang.
Tunay nga na naging malaking paaalala sa atin ang taong ito dahil sa kaniyang pambihirang pagsasakripisyo para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Hindi niya alintana ang hirap na kaniyang dinaranas basta’t maibigay lamang ang suportang kinakailangan ng mga taong umaasa sa kaniya. Marahil kung isa tayo sa ilang mga tao na pulos reklamo na lamang sa buhay ang alam dahil sa kanilang trabaho na kung tutuusin ay hindi rin naman ganoon kahirap at mayroon pa silang malaking sahod at mga incentives o di kaya naman ay isa tayo sa mga kabataang nagrereklamo dahil sa hindi natin paboritong ulam ang nasa hapag-kainan, siguro ay mas mabuting magpasalamat na lamang tayo sa mga bagay na mayroon tayo at sa mga bagay na nakukuha natin nang hindi na natin kinakailangan pang magsakripisyo at maghirap, hindi ba?





error: Content is protected !!