Categories: Amazing

Kandidata ng Miss Universe PH na mula pa sa Biliran, labis na hinahangaan ngayon dahil sa natural na kagandahan nito bilang isang Pilipina!

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga naggagandahang kababaihan na muling susubok na maiuwi ang korona ng Miss Universe para sa ating bansa. Bagamat hindi na nga maikakaila ang pamamayagpag ng Pilipinas sa larangang ito ay patuloy pa rin tayong nagsusumikap na maiuwi ang bawat korona.

Naging napakalaking pagsubok ang muling paghahanap ng mga susunod na beauty queens para sa Miss Universe Philippines ngayong taon. Kamakailan lamang ay opisyal nang ipinakilala ang 52 mga kandidatang magtutunggali upang maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe 2020 Pageant.

Ayon sa ilang mga ulat ay mayroong mga bagong mukha na sumubok bagong bahagi ng prestihiyosong beauty pageant na ito ngunit mayroon pa din namang mga naggagandahang kababaihan ang hindi napapagod na sumubok muli para sa inaasam nilang tagumpay. Isa na nga sa mga nangibabaw sa mga kababaihang ito mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ay ang isang dalaga mula sa Biliran.

Siya ay nakilala bilang si Skelly Ivy Florida at talaga namang pinagkakaguluhan siya ngayon sa social media dahil sa ang kagandahan niya ay natural na ganda ng isang tipikal na Pilipina. Si Skelly ay morena, isa sa pinakakilalang katangian ng maraming mga Pilipino.


Isang Fashion designer na nakilala naman bilang si Edwin Uy ang nagbahagi ng larawan ng 20 taong gulang na aspiring beauty queen na opisyal na kuha para sa gaganaping Miss Universe Philippines pageant. Lutang na lutang talaga ang angking kagandahan niya suot ang kaniyang puting bistida.

“Miss Universe Philippines candidate from Biliran Skelly Ivy Florida wearing an Edwin Uy cocktail dress. Isn’t she a black barbie doll? A very pretty morena girl so deserving to be the next Miss Universe Philippines. Please support her in the MUP pageant,” pahayag ni Edwin sa kaniyang post.

Talaga namang maraming mga netizens ang napukaw sa natural niyang kagandahan at halos lahat sila ay nagnanais at nanalangin na siya ang makapaguwi ng korona.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago