Kasal nina Sheena Halili at Jeron Manzanero nagpamangha sa publiko!



Si Sheena Halili ay 33 taong gulang na aktres na naging popular noon bilang si Monica sa 2007 programang “MariMar” sa GMA network. Lingid sa kaalaman ng publiko na pinsan ni Sheena ang isa pang batikang aktres at kontrabida na sina Katrina Halili.



Talaga namang minahal ng publiko ang kaniyang pagiging masayahin, kwela, at ang husay niya sa pag-arte. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang na ng Kapuso actress ang kaniyang kasal kay Jeron Manzanero na isang abugado. Ikinasal ang dalawa nito lamang Linggo, Pebrero 23 sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.


Maaalalang ipinakilala ng aktres ang kaniyang nobyo sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post noong taong 2017. Taong 2018 naman ng sinorpresa ni Jeron ang nobya sa kaniyang naging wedding proposal noong 2018 sa loob ng isang sinehan sa Greenhills.


Ang Christian wedding ceremony ng dalawa ay talaga namang napakaganda at hinangaan ng maraming mga netizens. Aakalain mong isang diyosa si Sheena na bumaba mula sa kalangitan. Tunay nga na simpleng wedding gown at simpleng make-up lamang ang mapapansin sa bride ngunit hindi maipagkakaila na nangibabaw ang kagandahan nito.

Ang naging selebrasyon ng kanilang pag-iisang dibdib ay dinaluhan ng ilang mga prominenteng pangalan sa industriya ng show business. Ilan sa mga ito ay sina Maine Mendoza, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Regine Velasquez, Julius Babao, Cristine Bersola-Babao, Chynna Ortaleza, Ria Atayde, Chariz Solomon at Katrina Halili.



Tunay nga na masayang masaya ang marami sa kaniyang mga tagasuporta at mga mahal sa buhay dahil sa lalagay na siya sa tahimik. Hindi biro ang pagpapakasal dahil sa naparaming mga obligasyon at responsibilidad ang kaakibat nito ngunit magiging napakasaya ng buhay may-asawa kung ang iyong kasa-kasama ay ang taong pinakamamahal mo.

 

View this post on Instagram

 

Mr. & Mrs. Manzanero @mysheenahalili @jemanzanero #sheenimo2020 As Kean and I always say.. Welcome to the good life. ❤️

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

Tiyak na magiging mabuting asawa at ina si Sheena sa pamilyang kanilang sisimulang buuin. Hindi na makapaghintay ang publiko sa mga magiging supling ng bagong kasal sa mga darating na taon. Congratulations, Sheena Halili at Jeron Manzanero!






error: Content is protected !!