Lalaki na hindi makapasok sa kaniyang bahay dahil sa bagong buhos ng semento ang harapan nito, patok na patok sa maraming mga netizens!



Ang pagkakaroon ng sariling tahanan, o bahay at lupa ay talaga namang maituturing na napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga tao ay nabibigyan ng pagkakataong makapagpundar ng sarili nilang tahanan.



Kung kaya naman talaga labis na kagalakan ang ating nadarama kapag nakamtan na natin ang pambihirang pangarap na ito. Bukod sa komportableng pamumuhay ay mayroon din tayong nararamdamang kaligtasan kapag tayo ay nasa loob na ng ating tahanan.

Ngunit paano nga kaya ang gagawin natin kung sakaling mangyari sa atin ang naranasan ng isang netizen na ito na usap-usapan ngayon sa social media? Ang netizen na ito ay nakilala bilang si Don Aguilar Navarro na nagbahagi sa kaniyang social media account ng nakakabiglang pangyayari kung saan hindi siya makapasok sa kaniyang bahay dahil sa bagong buhos na semento sa harapan mismo ng kanilang gate.


Narito ang naging caption niya sa kaniyang post:
“Tambay muna dito sa labas ng bahay. Hindi ako makauwi. Anong oras kaya titigas yung semento?”

Talaga namang umani ng napakaraming komento nito mula sa maraming mga netizens. Ilang mga netizens ang nagkomento at pabirong sinabi na dapat ay unti-unti na niyang hipan ito upang pagkalipas ng ilang mga oras ay matuyo na ang semento at makapasok na siya sa kaniyang bahay.


Isang netizen pa ang nagsabi sa kaniyang dadalhan siya nito ng ilang kahoy at tent upang kahit papaano ay makapag-camping muna siya sa labas ng kaniyang bahay habang basa pa ang semento. Isang netizen pa ang nagsabing kung siya ang nasa sitwasyon nito ay sisiguraduhin niyang magdo-drawing siya sa semento habang basa pa ito at ilalagay pa niya ang marka ng kaniyang sapatos.

Ilang oras pa ang lumipas at nagkomento naman ang pinsan nito na nakauwi na siya ng maayos at nagpalipas muna ng oras si Don habang hinihintay ang pagkakatuyo ng basang semento.






error: Content is protected !!