Matteo Guidicelli gustong sampahan ng kaso ng body guard ni Sarah Geronimo dahil sa panununtok nito!



Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usap ang diumanong sikretong pagpapakasal ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Maraming mga fans at supporters ng “AshMatt” ang talaga namang nagalak sa mga kumakalat na balitang ito dahil sa wakas ay kasal na ang isa sa pinakahinahangaan at sinusubaybayang celebrity couple sa bansa.

Ngunit kung napakagandang balita nito para sa marami, labis naman itong kinagulat at kinagalit ng nanay ng sikat na singer na si Mommy Divine. Napapabalita rin ngayon ang pagnanais ng isa sa mga close-in bodyguard ni Sarah na nakilala bilang si Jerry Tamara na magsampa ng kasong kriminal laban kay Matteo Guidicelli dahil sa diumanong panununtok nito sa kaniya dahil sa naging komosyon sa dinaos nilang sikretong kasalan.


Ayon kay Jerry ay sinisisi siya ng aktor dahil sa nalaman ng nanay ni Sarah na lihim silang ikakasal. Ito ay matapos diumano siyang pauwiin na o paunahin ni Sarah kasama ang kanilang driver kahit na tapos na ang naging “family dinner” nito kasama ang pamilya ni Mateo.




Dahil sa hindi nais ni Jerry na mapagalitan siya ng nanay ng singer na siyang nag-hire sa kanila ay agad niyang binalitaan si mommy Divine na gusto na silang paunahing umuwi ni Sarah. Dito na nga nagtungo sa BGC ang nanay ng singer at doon nag-eskandalo.


Muntik na din diumanong umabot sa sakitan ang naging komprontasyon ng nanay ni Sarah at tatay ni Matteo ngunit pilit na pumapagitna at umaawat ni Jerry kasama ang ilan pang mga bodyguards at security personnel. Dagdag pa ni Jerry habang isinasalaysay niya ang lahat ng nangyari sa programa ng Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay naganap ang pagsuntok sa kaniya ni Matteo ng tangkain nilang tumakas ni Sarah sa fire exit ng gusali.


Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pa ring pahayag o kumpirmasyon mula sa panig nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.



error: Content is protected !!