Social media post ni Jaclyn Jose patungkol diumano kay Mommy Divine, trending ngayon online!



Usap-usapan ngayon sa social media ang naging kaguluhan sa diumano ay sikretong kasalan ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Hindi na rin naman bago sa maraming mga Pilipino ang bali-balitang tutol ang ina ni Sarah Geronimo sa kanilang relasyon kahit noon pa man.



Kung kaya naman laking gulat din ng publiko ng malaman na engaged na ang dalawa. Matapos nga nito ay ginanap na kamakailan lamang ang diumano ay lihim nilang kasalan na labis na ikinagalit ng ina ng singer.

Kasabay nito ay ang ilang mga pahayag ng mga kilalang personalidad patungkol sa kung sino nga ba talaga ang mayroong kasalanan o pagkukulang sa nangyari. Isa na sa kanila ay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Naging trending sa social media ang naging post ng award-winning actress patungkol sa mga magulang at sa mga anak nito. Hinangaan ng publiko ang post ni Jaclyn na nagsasabing ang mga magulang ay mayroong responsibilidad na itaguyod at mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak sa kabila ng maraming mga pagsubok sa buhay.

Dagdag pa niya, siya ay isang single mother sa kaniyang dalawang anak noon at nagsumikap siyang iparamdam sa mga ito na ayos lamang ang lahat kahit pa minsan ay napuputulan sila ng ilaw o di kaya naman ay hindi sila nakakabayad sa pang-upa ng bahay. Kahit kailanman ay hindi rin diumano siya humingi ng kahit isang kusing sa kaniyang mga anak.



Bagkus ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maitaguyod sila. Bilang isang ina, para sa kaniya ay hinahayaan niyang magdesisyon ang kaniyang mga anak dahil sa bandang huli ay para rin naman sa kanila ang kanilang gagawing pagpapasya. Sinasabi lamang niya ang kaniyang opinyon ngunit ginagalang din naman niya ang magiging kapasyahan ng kaniyang mga anak. Tunay nga na maraming mga magulang ang tinamaan sa kaniyang mga tinuran at marahil ay isa rin itong aral para sa bawat isa sa atin.




error: Content is protected !!