Pambihirang penmanship ng isang estudyante mula sa La Salle nagpamangha sa maraming mga netizens!



Marami sa atin ang nakaranas ng dakilang pagmamahal sa atin ng mga magulang magmula noong ipinagbubuntis pa lamang tayo, isinilang, naging musmos, nagka-isip at tuluyan nang tumindig sa ating mga sariling paa. Ngunit bago pa man tayo ng isang matagumpay ng indibidwal, ang ating mga magulang ang nagsasanay at humahasa sa ating mga abilidad noong tayo ay bata pa.



Ito man ay pagdating sa isports, sa ilang mga talentong hindi natin alam na tinataglay pala natin, at maging sa pagbabasa at pagsusulat. Maraming mga nagsasabi na kung mahilig sa isports o di kaya naman ay hilig ng mga magulang ang musika, tiyak na makakahiligan din ito ng kanilang mga anak.

Habang ang iba naman ay nagsasabing kung magaling bumasa o sumulat ang mga magulang ay maipapamana rin nila ito sa kanilang mga anak. Bagamat kadalasan ay haka-haka lamang ito habang ang iba ay napatunayan na ng siyensiya, marami pa rin sa atin ang talaga namang naniniwala sa mga ito.


Kamakailan nga lamang ay nawindang at talaga namang nagulantang ang publiko dahil sa pambihirang sulat-kamay ng isang estudyanteng ito.

Ayon sa ilang mga ulat, ang guro na nakilala bilang si Teacher Rexy Anne Lozada Bañez ang nagbahagi ng mga larawang ito na gawa at sulat-kamay mismo ng isa sa kaniyang mga estudyante na “Business Administration Major in Financial Management” ang kinukuhang kurso sa La Salle University sa siyudad ng Ozamiz.


Talaga namang napakaraming mga netizens ang napamangha, naiinggit at hindi makapaniwalang sulat-kamay talaga ang mga nasa larawang ito at hindi font sa isang computer.  Talaga namang umani ng sari-saring komento at positibong reaksyon mula sa publiko ang viral post na ito.



Kung ang iilan sa atin ay medyo hindi ganoon kaganda ang “penmanship”, talaga namang kabibiliban mo talaga ang kakayahan ng estudyanteng ito at maging ang kaniyang effort na magpasa ng isang malinaw at malinis na class activity sa kaniyang guro.

Kung sana lahat tayo ay kaya ring magsulat ng ganito kaganda hindi ba?

Credit: Rexy Anne Lozada Bañez




error: Content is protected !!