Estudyanteng grade 9 na 34 taong gulang na, labis na hinahangaan ngayon sa social media!



Napakahalaga ng edukasyon sa maraming mga Pilipino. Para sa atin kasi ito ay ang magiging simula ng ating pagtatagumpay at kaginhawaan sa buhay. Bagamat hindi madali ang mga pagsubok at paghihirap na maaari nating kaharapin sa ilang taong pag-aaral ay wala pa ring makatatalo sa determinasyon ng bawat isa sa atin alang-alang sa pangarap natin na magandang kinabukasan para sa ating mga mahal sa buhay.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang isang mag-aaral na ito na nasa ika-9 na baitang na. Siya ay 34 na taong gulang na, kasal, at mayroon nang tatlong mga anak. Ang viral post na ito ay mula sa isang netizen na nakilala bilang si Zion Pore.

Ayon sa kaniya, habang siya ay nasa isang “class observation”, ang estudyante na ito na karga karga ang kaniyang anak na babae ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Kahit pa nga mayroon na siyang sarili niyang pamilya, at tatlong mga anak kung saan ang isa ay magiging estudyante na rin ng naturang paaralan sa unang baitang at ang kaniyang bunsong anak ay ang batang kaniyang kinakarga ay hindi pa rin nagpatinag ang estudyanteng ito upang pumasok na muli sa paaralan.



Ayon pa sa impormasyong ibinihagi ng uploader ay araw araw kasama ng ginang ang kaniyang anak sa kaniyang pagpasok sa klase dahil sa wala ring maiiwanan sa mga ito sa kanilang tahanan. Dahil sa ang kaniyang mister ay nagtatrabaho sa Davao upang masuportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang naturang post at talaga namang umantig ito sa napakaraming mga Pilipino na mayroon ding matinding pagpapahalaga sa edukasyon. Tunay nga na ang edukasyon ang isa sa mga maipapamana sa atin ng ating mga magulang na labis na makatutulong para sa ating kinabukasan.

Ngunit hindi rin naman masama na mangarap din sila na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang edad o kahit pa nga sila ay mayroon nang pamilya at mga anak na inaalagaan at kinakalinga. Dalangin ng marami na matupad sana ng ginang na ito ang kaniyang pangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili ngunit maging sa kaniyang pamilya.





error: Content is protected !!