Manny Pacquiao, muntik nang magalit sa kaniyang anak na si Mary dahil sa ginawa nitong prank sa kaniya!



Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa legendary boxer na si Manny Pacquiao? Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas nakilala ng publiko bilang si Manny Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko at propesyonal na boksingero. Siya ay nagsisilbi bilang senador ng bansa mula pa noong 2016. “Greatest boxer of all time” kung tawagin siya ng maraming mga historyador sa buong mundo.



Siya ay kasal sa kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao at biniyayaan sila ng limang mga anak: sina Emmanuel o Jimuel, Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang ilan sa mga vlogs ng isa sa kaniyang mga anak na si Mary kung saan nagplano siya ng isang prank para sa kaniyang ama kasabwat ang kaniyang mommy Jinkee at ang kaniyang kapatid na si Queenie.



Sa unang bahagi ng kaniyang video ay ipinakita niya sa kaniyang mga viewers kung saan niya inilagay o isinet-up ang kaniyang mga camera. Ngunit sa kasamaang-palad ay sa “blind spot” pumwesto ang kaniyang ama na siyang magiging biktima ng “boyfriend prank” na ito.



Ngunit sa kabila nito ay maririnig pa rin naman ng malinaw ang kanilang naging usapan. Ang kaniyang mommy Jinkee ang diumano ay nakadiskubre sa kaniyang lihim patungkol sa kaniyang nobyo. Kapansin-pansin ang naging pagbabago sa boses ni Manny nang marinig mula sa kaniyang anak na babae na mayroon na nga itong nobyo.


Talaga namang bilang isang ama ay natural nang reaksyon ng sinuman ang mag-alala para sa kanilang mga anak. Nang tanungin ni Manny kung ano ang pangalan ng nobyo ng kaniyang anak ay sumagot ito at sinabing “Prank!”



Hindi na napigilan pang humalakhak nina Jinkee, Mary at Queenie sa naging matagumpay nilang prank sa isa sa pinakakinatatakutang lalaki sa buong mundo. Sino nga ba naman ang maglalakas loob na umakyat ng ligaw sa mga anak ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao?



error: Content is protected !!