Matteo Guidicelli, inamin nang kasal na sila ni Sarah Geronimo sa social media!



Makalipas ang halos isang linggo ay nagsalita na rin sa social media si Matteo Guidicelli patungkol sa naging pagpapakasal nila ng sikat na singer at aktres na si Sarah Geronimo. Sa social media ay hindi napigilang ng aktor mula sa Cebu ang naging masaya nilang pagsasama bilang isang tunay na mag-asawa sa kabila ng napakaraming naging hadlang sa kanila.


Talaga namang unti-unti na silang nakaka-adjust sa panibagong yugto ng kanilang buhay, ang buhay mag-asawa. Ang Christian wedding ng celebrity couple ay ginanap sa Victory Church sa BGC, Taguig City na dinaluhan ng pinakamalalapit na kaibigan ng magkasintahan at ng buong pamilya ng aktor.



Nagbahagi din si Matteo ng unang larawan nila ni Sarah bilang mag-asawa. Sa nakakaantig na mensaheng ibinahagi niya mismo sa social media gamit ang kaniyang social media account ay talaga namang labis siyang nagpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanila upang maging posible ang kanilang planong pagpapakasal.



Pinabulaanan din niya ang mga akusasyon tungkol sa kaniya na siya ay nanuntok ng isa sa mga bodyguard ni Sarah na nakilala bilang si Jerry Tamara. Pinahanga din ng aktor ang publiko dahil sa pagnanais nitong maprotektahan ang kaniyang misis.

Ipinabatid din naman nito ang kaniyang saloobin patungkol sa pakikipag-ayos sa pamilya ni Sarah dahil sa naniniwala pa rin siya na ang lahat ay maghihilom rin at babalik din ang lahat sa ayos. Kahit pa hindi natapos ng maayos ang kanilang kasal ay talaga namang marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang natutuwang malaman na sa wakas ay hindi na sila magkasintahan na lamang, bagkus ay handa na silang bumuo ng isang masaya at kumpletong pamilya na kinakapanabikan na ng publiko.


Si Sarah Geronimo ay si Sarah Asher Tua Geronimo sa tunay na buhay. Siya ay 31 taong gulang na singer, aktres at record producer. Nobyembre 2019 nang ipaalam ng power couple sa publiko ang kanilang engagement na talaga namang pinakaabangan ng publiko kung kailan at saan nga ba magaganap.