Asong pinoy na may attitude, patok sa social media ngayon, natagpuan pala na dugyot sa kalsada noon!



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang “animal lovers” na maituturing. Hindi na bago sa ating nagin kaugalian ang mag-alaga ng maraming mga aso, pusa, ibon, at marami pang ibang uri ng mga hayop.

Kadalasan pa nga ay mas mahal pa ang mga gamit at pagkain nila kaysa sa atin. Bukod pa rito ay hindi rin sila nawawala sa mga family pictures at sa mga biyahe ng pamilya sa loob man k sa labas ng bansa.



Ang pagsasama nga sa mga pets na ito sa mga malls, sa loob ng sasakyan, at iba pang establisyemento ay isang natural na bagay na lang din sa ngayon. Hindi na nakapagtataka na napakarami na rin nating nababalitaan na nakakamanghang kwento patungkol sa mga alagang hayop na ito.

Kamakailan nga lamang ay talaga namang hindi kinaya ng publiko ang pambihirang pag-awra ng Aspin na ito na talaga namang aakalain mong isang commercial model. Talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang pag-awra ng asong ito.

Hindi nga nagtagal ay lalo pang kumalat sa social media ang larawan ng nakakatuwang aso na ito. Lingid sa ating mga kaalaman ay isa din pa lang “rescued dog” ang aso na ito. Ang mga tinatawag na “rescued dog” na ito ay maaaring natagpuan o nakita sa hindi maayos na kalagayan o di kaya naman ay nailigtas mula sa mapang-abusong mga may-ari nito. Ang sikat na asong ito ay nakilala bilang si GD ayon na rin sa kaniyang bagong tagapag-alaga na si Alaniz Litao.



Pahayag nito ay napulot nila si GD sa kalsada na halos wala nang buhay at talaga namang napakapayat. Marumi at dugyot na dugyot din talaga ang hitsura nito.

Kinupkop nila ito, pinakain at pinainom hanggang sa maging malusog siya at lumaki ng maayos. Noon, Clover pa ang kaniyang pangalan ngunit dahil sa nawala siya noon at natagpuan sa basurahan ay pinangalanan na nila itong Garbage Dog o GD.



Lumaki itong kasama ang dalawa pang babaeng aso kung kaya naman dinadamitan na rin nila ito ng mga makukulay at pangbabae na kasuotan pang-aso. Talaga namang namangha ang publiko hindi lamang sa naging transpormasyon ni GD mula sa pagiging isang asong ligaw at dugyot na aso ay napunta siya sa mabuting kalagayan sa piling ng kaniyang bagong pamilya.



error: Content is protected !!