KC Concepcion binigyan ng “house and lot” ang kaniyang tagapag-alaga noong maliit pa siya!



Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay 34 na taong gulang na aktres at mang-aawit. Minsan na siyang napanuod sa mga ginawa niyang proyekto tulad ng “For The First Time”, “When I Met U”,”Lovers in Paris”, “Huwag Ka Lang Mawawala”, “Ikaw Lamang” at marami pang iba.

Kilala din siya bilang “National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme”. Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.



Tunay nga na minahal ng maraming mga Pilipino si KC hindi lamang dahil sa kaniyang magandang hitsura, sa angkin niyang mga talento sa pag-arte at sa pag-awit kundi dahil sa kaniyang kagandang-loob. Lingid sa kaalaman ng publiko na niregaluhan ng aktres ang kaniyang Yaya ng napakaganda at napakamahal na regalo.

Talaga namang ikinasorpresa ng publiko ang pagbibigay ni KC ng bahay at lupa sa kaniyang minamahal na si Nanay Lina. Si Nanay Lina ang talaga namang nagmahal, nag-alaga at nakasama ni KC noong siya ay bata pa.


Ayon pa nga sa ilang mga ulat ay hindi na ito nakapag-asawa pa at nakapagbuo ng sarili niyang pamilya dahil iniaalay na niya ang kaniyang oras at panahon sa pag-aalaga sa aktres at sa paglilingkod sa kaniyang pamilya. Sa naging madamdaming pahayag ni KC sa kaniyang social media account ay inilarawan niya ang wagas na pagmamahal na naramdaman niya kay Nanay Lina noon pa man.



Sa mga panahong nasa trabaho ang kaniya ina na si Sharon ay talaga namang hindi siya pinapabayaan ni Nanay Lina hanggang sa ngayon na 34-anyos na siya ay masayang masaya pa rin ito at walang sawang sumusuporta para sa kaniya sa lahat ng kaniyang mga proyekto. Tunay nga na hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng isang alagang katulad ni KC ngunit hindi rin naman madaling makahanap pa sa panahon ngayon ng katulad ni Nanay Lina na mamahalin at aalagaan ka na parang isang tunay na anak at isang tunay na pamilya.



error: Content is protected !!