Kulay “rainbow” na puno, kinagigiliwan ng maraming mga netizens ngayon!



Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang makakita ng maraming mga puno, mga halaman, mga luntiang kapaligiran at magagandang tanawin. Tunay nga na isa tayo sa mga dinarayong bansa sa Asya dahil na rin sa magagandang lugar na maaaring puntahan sa bansa at maging sa napakaganda nating panahon dito na patok na patok sa maraming mga turista lokal man o mga dayuhan.



Ngunit kung inaakala nating nakita na natin lahat ng mga puno sa ating bansa tila nagkakamali ang marami sa atin. Lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino ay mayroon tayong puno na kulay bahaghari ang katawan.


Ang puno na ito ay tinatawag na Eucalyptus deglupta o Rainbow Eucalyptus tree na malimit na makikita sa mga bansang Papua New Guinea, Indonesia, at maging dito sa atin sa Pilipinas. Kung unang beses mo ngang makakakita nito ay aakalain mong nakakita ka ng isang napakaganda at napakakulay na puno na nilikha ng isang mahusay na pintor.


Ngunit bukod pa sa makukulay nitong katawan ay ikatutuwa rin ninyo ang nakakarelaks na amoy nito. Inihahalintulad sa “Vick’s Vapo rub” ang natural na aroma na inilalabas ng puno na ito. Ang puno na ito ay nakakapigil rin sa polusyon ng hangin ayon sa ilang mga eksperto.


“Trees that exfoliate or discard their bark like the Rainbows, actually are used as street plantings in areas of heavy poÜlltion. The bark that is sloughed off is actually discarding accumulated air pollÜtion that is captured there”



Sa Mindanao, ang tawag sa nakakamanghang puno na ito ay “Bagras”. Ang mga ganito klase ng puno ay mabilis lumaki at mayroong taas na 250 talampakan. Madalas itong nabubuhay sa mga bansa na mayroong tropical na klima o temperaturang nagtataglay ng hindi bababa sa 50 F (o 10 C.).

Talaga namang napakapalad nating mga Pilipino dahil hindi na natin pa kinakailangang magtungo sa ibang bansa upang makakita ng ganitong uri ng makulay at pambihirang puno.




error: Content is protected !!