Magarbong pagdiriwang ng unang taong kaarawan ng anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na si Baby Shiloh, hinahangaan ngayon ng publiko!



Si Rochelle Pangilinan-Solinap ay 37 taong gulang na aktres, dancer at recording artist. Isa siya sa mga batikan at orihinal na miyembro ng isang all-girl group na sumikat sa “Eat Bulaga!”



Sa ngayon ay isa na siya sa pinakahinahangaang aktres at kontrabida sa telebisyon. Kamakailan lamang ay ikinatuwa at kinagiliwan ng publiko ang magarbong selebrasyon nila ng unang taong kaarawan ng panganay nilang anak ni Arthur Solinap na si baby Shiloh.


Naging “double celebration” nga ang kanilang pagdiriwang dahil sa “dedication” day din ito ng kanilang cute na cute na baby. Umantig din sa puso ng publiko ang naging mensahe ng aktres para sa kaniyang anak:


“Last year Feb 24 2019, God has given us the best gift of life and it’s you, my baby girl. You are a blessing who have given me the identity ‘mother’. We love you soooo much! Excited na kong makita mo ang mga pictures na ito paglaki mo! Welcome to the Christian world and happy 1st birthday!!” Pahayag ni Rochelle sa kaniyang Instagram post.



Ang selebrasyon ng pamilya ay ginanap sa Ayala Hillside Estates sa Quezon City. Talaga namang marami ang namangha sa Snow White-themed party na inihanda ng mag-asawa para sa kanilang anak.
Talaga namang makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa sa social media ang labis na kagalakan sa mga mata nina Rochelle at Arthur. Tunay nga na ang pagkakaroon ng isang supling o higit pa ay ilan lamang sa mga biyaya na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos sa araw-araw.

Kahit pa nga para sa iilan ay medyo natagalan ang pagpapakasal o ang paglagay sa tahimik ni Rochelle at ng kaniyang dating nobyo na si Arthur ay talaga namang “worth the wait” talaga ang paghihintay nila sa kanilang baby girl na si Shiloh. Tiyak na lalaki siyang mapagmahal na bata at mayroong takot sa Diyos.




error: Content is protected !!