Miracle baby ni Miriam Quimbao masayang nagdiwang ng isang taong kaarawan ito!



Hindi biro ang maging isang ina. Napakahirap ng kanilang pinagdadaanan mula sa pagbubuntis, sa pagsilang, hanggang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ngunit hindi nila ito alintana dahil wagas at walang katulad ang kanilang pagmamahal.



Kung marami sa atin ang talaga namang pinagpala at hindi na nahirapan pang magbuntis o magkaanak, mayroon din namang iilan sa atin na hindi ganoon kapalad dahil sa talaga namang napakatagal ng kanilang hinihintay upang magkaroon ng kasagutan ang kanilang dalangin na magkaroon ng sarili nilang supling.


Katulad na lamang ng kilalang celebrity na si Miriam Quimbao. Si Miriam Redito Quiambao-Roberto ay 44 taong gulang na physical therapist, inspirational speaker, author, entrepreneur, aktres, television host, real estate broker, endorser, modelo, at beauty pageant titleholder.


Siya ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 1999 at nag-uwi ng 1st Runner-up na korona sa Miss Universe 1999. Ikinasal na siya noong 2004 sa Italian businessman na si Claudio Rondinelli at nanirahan kasama niya sa Hong Kong ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin naging matagumpay ang kanilang pagsasama at nagdiborsyo din taong 2006.



Taong 2013 naman ng ma-engaged siya sa kaniyang nobyo na si Eduardo “Ardy” Roberto Jr. na isang Christian author at motivational speaker. Ikinasal sila noong March 25, 2014. Pebrero 16, 2019 nang isilang niya ang kaniyang miracle baby na pinangalanan nilang Elijah.

Sa ngayon ay isang taon na si Elijah na isinilang ng kaniyang ina noon sa pamamagitan ng emergency Caesarean delivery sa ika-35 linggo nitong pagbubuntis at tumitimbang siya noon ng 4.7 na pulgada. Premature baby man si Elijah ay talaga namang napuspos ito ng pagmamahal at pagkalinga sa kaniyang mga magulang.

Ito ang naging post ng sikat na beauty queen sa kaniyang social media account:
“Has it been a year since I gave birth to my miracle baby? Oh how time flies so fast! Every day I thank the Lord for such wonderful miracles I experience every day with this little miracle baby of mine, born early at 35 weeks at 7:32pm at Feb 16, 2019.” Pahayag ni Miriam.



Pebrero 23 nang naghanda ang mag-asawa ng isang pool party para sa unang taong kaarawan ng kanilang anak. Talaga namang naging inspirasyon sa publiko ang kwento na ito ni Miriam at ng kaniyang masayang pamilya.




error: Content is protected !!