Isang magandang babae na dalawang araw nang nawawalan at pinaghahanap ng kaniyang pamilya, nag-unwind lang pala!



Bilang isang kapamilya hindi na natin maiaalis pa ang mag-alala sa mga taong mahal natin lalo na kung mayroong hindi magandang nangyari sa kanila. Maaaring sila ay naaksidente, napahamak, nasangkot sa gulo, na-kidnap at marami pang iba.



Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang post ng isang netizen na ito kung saan ibinahagi niya ang nakakatuwa ngunit nakakainis din namang kwento ng diumano ay “pagkakawala” ng kaniyang kapatid. Ang netizen na ito ay nakilala bilang si Erlyn Coronel.

Hindi na nito mapigil at maitago pa ang inis na nararamdaman sa kaniyang kapatid dahil sa dalawang araw diumano silang hindi nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip kung nasaan na nga ba ang dalaga! Nagpabalik-balik pa diumano ang netizen at ang kaniyang pamilya sa pulisya para lamang humingi ng update patungkol sa pagkakareport nila sa nawawalang kapatid.


Diumano ay huling nakita ang kapatid nitong si Richelle Pebrero 22 sa ganap na ala-una ng madaling-araw habang nakasuot daw ito ng itim na sando at puting shorts. Tunay nga na hindi madali ang pagdaanan ang ganitong klase ng pangyayari sa ating buhay.
Ngunit talaga namang ikinawindang ng netizen ang tunay na dahilan ni Richelle at ang diumanong pagkakawala nito dahil sa nagpakasarap lamang pala ito at namasyal sa Anawangin habang hindi na magkandatuto ang kaniyang pamilyang maghanap sa kaniya! Dahilan ng dalaga ay walang signal sa lugar kung kaya naman hindi ito nakapag-update sa kanila.


Kalakip ng viral post ang larawan ng magandang dalaga na pinaprint pa ng kaniyang ate upang makatulong sa diumanong paghahanap sa kaniya. Naiinis din niyang idinagdag na dapat ay palitan ng kaniyang kapatid na si Richelle ang ipinangpa-gas nito at ang pinang-print ng kaniyang mga larawan.

Umani ng napakaraming komento ng viral post na ito at talaga namang marami ang naka-relate. Mayroong ilang mga netizens na nagsasabing dapat lamang paluin ang dalaga dahil sa pag-aalalang ginawa nito sa kaniyang pamilya.



Bukod pa rito mayroon ding iilang netizens na nag-tag sa kanilang mga kapatid at kapamilya na nagsasabing kung hindi rin sila magpapaalam bago sila umalis ng bahay ay talagang igagawa rin sila ng mga ito ng larawang nagsasaad na sila ay nawawala ngang talaga.




error: Content is protected !!