Larawan ng babaeng nagluluto sa “kalan de uling” habang umuulan, nagbalik ng maraming alaala ng mga netizens!



Maraming mga tao sa ngayon ang talaga namang nangangarap na makaranas ng payapa at simpleng buhay sa probinsiya. Tunay nga namang wala nang makahihigit pa sa maaliwalas na kapaligiran sa lugar na ito, masarap at presko na samyo ng hangin, maraming mga halaman at mga puno, mga masasarap na pagkain at kakanin at ang pagbabayanihan ng bawat isa.



Bukod sa simple ngunit masayang pamumuhay dito ay simple din naman ang mga kagamitang madalas gamitin noon sa probinsiya. Kung ngayon ay marami nang high-tech na mga kagamitan o gadgets ang naeenjoy ng mga kabataan, noon ay mayroong mga bagay na simple lamang ngunit talaga namang kapaki-pakinabang pa rin.

Tulad na lamang ng kalan de uling ng maraming mga pamilyang Pilipino noon kung saan uling o di kaya naman ay kahoy lamang ang ginagamit at kaunting pangparikit at siguradong makapagluluto ka na ng ulam o di kaya naman ay makapagsasaing para sa iyong pamilya. Hindi mo na kailangan pang bumili ng gaas, o ng gasul, o di kaya naman ay ang mga electric stove kung tawagin sa ngayon.


Ang larawan na ito ng isang babae na nagluluto sa ulingang kalan sa gitna nang bumubuhos na ulan ay talaga namang pumatok sa maraming mga netizens. Talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang pambihirang larawan na ito at naghatid din ng maraming mga alaala ng nakaraan.

Naka-relate ang marami sa larawang ito kung saan talaga namang makikita na hindi madali ang pagluluto sa kalan na ito ngunit sa kabila nito ay matiyaga at masikap pa rin ang marami na makapagluto at makapagsaing dito. Talaga namang payak lamang ang pamumuhay noon ng marami sa atin.


Ngunit sa kabila ng pagiging payak ay talaga namang mayroong kasiyahan at kagalakan sa ating mga puso. Lalo na kung sa hirap at ginhawa ay nagtutulungan at nagsasama-sama ang bawat pamilya para sa isa’t-isa.






error: Content is protected !!