Masarap na meryendang “ginataang bilo-bilo” ng maraming mga Pilipino, trending ngayon sa social media!



Napakasarap kumain hindi ba? Talaga namang tayong mga Pilipino ay popular napakasarap at malasa nating mga pagkain.



Kahit ano pa man ang panahon ay hindi tayo mawawalan ng mga putahe na ihahain sa ating pamilya. Kung mainit ang panahon ay talaga namang patok na patok ang mga palamig o di kaya naman ay halo-halo.

Kung sadyang masungit naman ang panahon at umuulan ay hindi mawawala ang masasarap at malalasa nating mga putaheng may sabaw tulad na lamang ng nilaga, sinigang, tinola, sinampalukan, batchoy at marami pang iba. Siyempre, mawawala ba naman ang meryenda sa ating hapag-kainan?



Bukod sa mga tinapay at palaman, o di kaya naman ay pancit, puto o kakanin marami din tayong mga pagkaing tila nakakabit na sa ating kabataan. Ilan sa mga ito ang banana cue, kamote cue, paradusdos, champorado, sotanghon, ginataang mais, binatog, at ang paborito ng marami na “bilo bilo”.


Isa ang bilo bilo o ang ginataang bilo bilo sa mga nakakatakam na meryenda ng mga Pilipino. Gawa ito sa malagkit na galapong, saging na saba, kamote, sago, langka na iniluto sa gata ng niyog.
Talaga namang wala nang mas sasarap sa meryenda na ito lalo na kung luto ito ng ating mga nanay. Napakasarap balikan ang ating kabataan kung saan matapos nating maglaro ay nakahanda na ang ating meryenda sa hapag-kainan.

Wala nang papantay pa sa masarap na pakiramdam ng pagkakaroon ng isang mapagmahal na magulang. Bukod pa rito ay talaga namang nakakatuwang malaman na napakarami nating dapat ipagmalaki bilang isang Pilipino.

Hindi lamang sa mapagmahal ang bawat isa sa atin lalo na sa ating pamilya, maasikaso tayo sa ating mga bisita, at napakarami din nating magagandang tanawin na binabalik-balikan ng maraming mga dayuhan at lokal na turista. At higit sa lahat ang mga nakakagutom at napakasarap na pagkaing Pinoy na ang dito lamang matitikman sa ating bansa.




error: Content is protected !!