“Wala pang sahod pero sosyal ka pa rin!”, viral ngayon sa social media!



Kahit kailan, hindi madaling mag-budget ng pera lalo na kung napakarami mong kailangang pagkagastusan at bayaran kaysa sa iyong sinusweldo. Marami sa atin ang naranasan din na maging “breadwinner” ng ating mga pamilya.



Kung saan tayo ang pangunahing kumikita ng pera at sumusuporta sa mga pangangailangan sa ating tahanan. Mabigat na pasanin man kung ituring ng karamihan ngunit biyaya pa rin ito para sa iilan dahil sa mayroon silang pagkakataon na maibalik ang lahat ng suportang natanggap nila mula sa kanilang mga magulang.


Bukod pa rito ay hindi ka rin naman makapagbibigay o makakapagsuporta sa iyong pamilya kung ikaw mismo ay walang matatag na trabaho. Dahil sa marami na rin sa atin ngayon ang nagtitiyaga sa hindi kalakihang sahod buwan-buwan ay hindi rin maiiwasang maghigpit ng sinturon, paminsan-minsan.

Kung kaya naman pumatok ng husto ang mga larawang ito sa social media dahil sa napakasosyal na mga pagkain sa murang halaga. Sosyal tingnan ang mga pagkain na ito ngunit ang presyo ay talaga namang abot-kaya.



Ilan nga sa mga larawang kinagiliwan ng publiko ay ang larawan ng paborito nating meryenda na “instant pancit canton” ngunit mas sosyal na “version” kumbaga. Mayroon ding mga ulam na aakalain mong mula sa mamahaling mga restawran dahil sa kakaibang pangalan nito ngunit kung tutuusin ay kilalang kilala naman pala ito ng maraming mga Pilipino.

Tunay nga sa mga ganitong klase ng panahon ay natututo tayong mas magtipid at mas maging disiplinado sa ating mga sarili. Bagamat maraming mga problema at alalahanin ay sadyang mas marami pa rin talagang mga bagay na mas dapat nating ipagpasalamat sa Diyos sa araw-araw.



Kaya para sa maraming mga Pilipino na talaga namang pinagkakasya ang kanilang maliit na kinikita, huwag nang mangamba o mabahala pa dahil darating din ang panahon na magbubunga lahat ng ating paghihirap. Lalo na kung isa tayo sa mga masisipag na taong nagtitiyaga at nagsusumikap para sa kanilang mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!