Isang napakagandang tanawin sa isang resort sa Tarlac kung saan para kang nagtungo sa Roma patok na patok ngayon sa publiko!



Tiyak na marami sa ating mga Pilipino ang nagnanais bumiyahe at maranasan ang buhay sa ibang bansa kahit sa sandaling panahon lamang. Hindi na nga maipagkakaila na ang pagbibiyahe, pamamasyal, o pagbabakasyon sa ibang mga lugar sa loob at labas ng bansa sa panahon ngayon ay mas laganap na kaysa noon.



Talaga namang nakakamangha na mayroon nang mga lugar sa ngayon na mapupuntahan na marami sa atin at mapagpapahingahan. Sino nga ba naman ang hindi magnanais na makapamahinga at makapagrelaks man lang matapos ang nakakapagod na trabaho at stress sa buhay.

Hindi na nakapagtataka na patok na patok sa ngayon ang isang gusali na ito sa Bamban, Tarlac. Talaga namang mamamangha ka sa mala-Rome na ganda ng lugar.


Ang mga larawang ito ay ibinahagi ng YouScooper na nakilala bilang si Athan Codilla sa GMA News Facebook Page. Ang gusali na ito ay aakalain mong ang pamosong Flavian Ampitheathre sa Roma dahil sa nga arko at inner walls nito ay napakadetalyadong talaga.


Ang mga larawan pala na ito ay kusa sa isang resort sa Tarlac. Sadyang napakagandang alaala ang makapagpakuha ng mga larawan dito hindi ba?


Sinong mag-aakala na hindi ka nag-out of the country kung ganitong istruktura ang bubungad sa iyo hindi ba? Ang Goshen Resort ay isang “resort and hotel accommodation” na “European o Greco-Roman-inspired ang arkitektura.

Ang resort na ito na matatagpuan sa Bamban Tarlac ay 4 na ektarya ang lawak at itinayo noon para sa isang Christian evangelical group. Bagamat hindi pa ito opisyal na isinasapubliko ay agad na itong sumikat sa social media at binuksan sa publiko taong 2017.



Maraming mga netizens ang talaga namang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makapunta rin sa lugar na ito. Hindi na ito magiging imposible dahil sa malapit lang ito at hindi na kailangan pa nga visa, pasaporte at malaking pocket money.

Napakapalad nga talaga ng ating bayan dahil sa napakaraming magaganda tanawin na mayroon tayo. Bukod sa mga tanawin na ito ay mayroon din tayong maraming mga masasarap na pagkain at mga panghimagas.

Source: Instagram






error: Content is protected !!