“KILAY IS LIFER”: Aso na mayroong mataray na kilay talaga namang patok na patok sa social media!



Marahil ay marami pa rin sa atin ngayon ang hindi pa nakakamove-on sa asong ma-aattitude na talaga namang kinagiliwan ng maraming mga Pilipino online. Nakilala ang aso na ito bilang si “GD” o Garbage Dog na isang rescued dog noon ngayon ay talaga namang hindi na kakikitaan ng anumang bakas na siya ay napulot noon ng kaniyang tagapag-alaga na halos buto at balat na at hinang-hina.


Kung inaakala natin na siya lamang ay asong marunong umawra ang mag-pose tila nagkakamali ang marami sa atin. Dahil matapos niyang mag-viral sa social media ay marami pang ibang mga nakakabilib na aso ang talaga namang pumukaw sa ating atensyon.




Tulad din sila ni GD na talaga namang aakalain mong isang tao kung kumilos. Ang nag-upload ng larawan ng isang asong gigil na gigil at talaga namang “pak na pak” ang kilay ay walang iba kundi ang netizen na nakilala bilang si Rain Isidro.


Talaga namang kinagiliwan ng marami ang aso sa kaniyang viral post dahil tila galit na galit ito sa kaniyang tagapag-alaga dahil sa ginawa sa kaniyang kilay. Mapapansing nakalabas pa ang matatalis nitong mga ngipin na anumang oras ay tila mangangagat na lamang bigla.


Mapapansin sa mga larawang ini-upload sa social media ang magandang pagkakaayos ng kilay ng aso ni Rain ngunit mas kapansin-pansin din naman na hindi ito nagustuhan ng kaniyang alaga. Nilagyan ito ni Rain ng caption na, “Nasaan na yung ma-attitude na ghorl? Gigil niya ako.”

Umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang mga larawang ito ng aso na “Gigil is life” pero “Kilay is Lifer”. Marami ding mga netizens ang talaga namang gigil na gigil sa kakulitan at sa ka-cutean ng aso na ito.



Nakakatuwa naman talaga ang magkaroon ng alagang hayop na maituturing nating bilang ating kapamilya, kaibigan at kasama sa araw-araw. Nakakapawi talaga sila ng pagod at lungkot sa ating buhay hindi ba?




error: Content is protected !!