Toyota President, aktwal ba sumakay sa lahat ng pampublikong transportasyon sa Maynila upang lubos na maintindihan ang maraming mga pasahero



Kamakailan lamang ay nag-viral ang bagong presidente ng Toyota Motor Philippines (TMP) na dahil sa pagsakay nito sa halos lahat ng pampublikong transportasyon sa Maynila. Ito ay kaniyang ginawa upang lubusan niyang maintindihan ang pinagdaraanan at ang bawat hinaing ng maraming mga Pinoy commuters.



Ang nakakamanghang presidente na ito na pumukaw sa atensyon ng marami ay walang ibang kundi si Atsuhiro Okamoto. Nagdesisyon siyang subukan ang pagsakay sa mga pampublikong transportasyon sa siyudad upang maramdaman din niya ang mga nararamdaman at nagiging karanasan ng publiko.


Maraming mga netizens ang nagsasabing maaari naman niyang iutos na lamang sa marami niyang mga empleyado ang bagay na ito ngunit mas minabuti pa rin niyang siya na mismo ang tumuklas sa sarili niyang paraan mismo. Naranasan niyang pumila ng mahaba sa MRT (roundtrip), sa bus, UV Express, dyip, at kahit pa nga sa isang tricycle patungong Tondo.



“During my first week in the Philippines, I decided to do “Genchi Genbutsu,” or to “Go and See” the daily struggles of Filipino commuters. I rode a bus, took a round trip of the MRT, rode the jeepney, queued for a long time to ride the UV Express, and lastly, took a tricycle ride to Tondo! For me, it’s a good learning experience.


I realize that unlike Japan or Singapore, the Philippines’ current mass transport system is not enough to accommodate the huge number of daily commuters. I would like Toyota to take part in this big challenge to upgrade the quality of life for many Filipinos.” Pahayag niya.

Dahil sa naging karanasan ay napagtanto niyang hindi pala talaga sapat ang “mass transport system” ng Pilipinas hindi tulad ng sa Japan at sa Singapore upang maserbisyuhan ang publiko. Para sa kaniya ay isa itong malaking hamon para sa kanilang kompanya upang matulong sa pagbabago ng ating bansa pagdating sa usaping transportasyon.



Talaga namang bumilib sa kaniya ang publiko dahil hindi naman talaga biro ang pagsakay sa mga pampublikong transportasyon natin lalo na kung hindi ka sanay at mula ka sa marangyang pamilya, ibang lahi at mula sa ibang bansa hindi ba?




error: Content is protected !!