Simpleng selebrasyon ni Megan Young ng kaniyang ika-30 kaarawan kasama ang mister na si Mikael Daez, kinabiliban ng publiko!



Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Megan Young ang kaniyang ika-30 taong kaarawan kasama ang kaniyang mahal na asawa na si Mikael Daez. Hindi katulad ng ilang mga sikat na artista at personalidad ay hindi ito nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa isang enggrandeng hotel o venue bagkus ay sa isang restawran lamang sila kumain ng kaniyang mister.



Talaga namang hinangaan ng publiko ang mag-asawa dahil sa pagiging simple at minimalist ng dalawa. Ibinahagi ni Megan sa kaniyang mga Instagram followers ang kanilang simpleng selebrasyon para sa kaniyang ika-30 taong kaarawan.


Ayon sa Kapuso celebrity ay napagdesiyunan nilang mag-asawa na magkaroon siya ng “birthday lunch” sa isa sa pinakapaborito nilang kainan, ang “Gubat” na matatagpuan sa UP Campus sa Diliman Bonsai Society. Masayang masaya ang birthday girl dahil sa kumain sila dito ng nakakamay lamang at walang ano mang kubyertos.


Talaga namang gaganahan kang kumain lalo na kung ang ihahain sa iyong putahe ay mga pagkaing Pinoy tulad na lamang ng adobo, isda, lechon kawali, at mayroon pang side dish na buro. Nagpasalamat din naman ang aktres sa mga taong bumati at nakaalala sa kaniya sa kaniyang kaarawan.

Maaalalang sa simula pa lamang ng taon ay naging usap-usapan na sina Mikael at Megan dahil sa naging napakasimple nilang pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib. Ikinasal ang dalawa sa isang simbahan sa Batangas na sinundan din naman ng isang enggrandeng kasalan sa Subic ngunit mayroon pa rin itong temang “minimalist” na pasok na pasok sa personalidad nilang dalawa.



Talaga namang mas marami pa ang humanga at bumilib sa kanila dahil sa kabila ng kanilang kasikatan at karangyaan sa buhay ay mas pinipili pa rin nilang maging simple at praktikal pagdating sa kanilang pamumuhay. Isang napakagandang inspirasyon para sa ating mga Pilipino na madalas ay nakakaligtaan na rin ang maging disiplinado at matipid lalo na kung pananalapi ang pag-uusapan.

Si Megan Lynne Young ay isang Filipino-American actress, modelo, television presenter, at beauty queen na nagwagi ng “Miss World Philippines 2013” title at kinorohanan bilang “Miss World 2013”. Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na tinanghal bilang Miss World.






error: Content is protected !!