Throwback photo ni Richard Gomez talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens!



Si Richard Gomez ay 53 taong gulang na atleta, direktor, modelo, pulitiko, at aktor. Siya ay isa sa mga pinakahinahangaang aktor ng kaniyang henerasyon.



Siya ay nagtapos sa University of the Philippines Open University at sa University of Perpetual Help System DALTA. Isa siya sa mga matagumpay na showbiz personality na sinubukang sumabak sa pulitika.

Siya ngayon ay ang kasalukuyang mayor ng siyudad ng Ormoc sa Leyte kung saan siya ay masigasig na naglilingkod sa publiko. Bukod sa pagiging isang matagumpay na aktor at pulitiko ay hindi pa rin talaga malilimutan ang nakakabighaning kagwapuhan ng aktor mula noon hanggang sa ngayon.


Hindi na nga nakapagtataka na “tall, dark, and handsome” ang taguri sa kaniya ng maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay muli na naman niyang pinatunayan sa publiko kung bakit nga ba siya nakilala bilang “tall, dark, and handsome” sa mundo ng show business.


Bukod sa magandang pangangatawan ni Goma ay Pilipinong Pilipino rin ang kulay ng kaniyang balat at talaga namang sa kabila ng edad nito ay wala pa ring kupas ang kaniyang pagiging “handsome” wika nga ng ilan. Hindi na napigilan pa ng ilang mga netizens ang mapakomento sa throwback photo na ibinahagi ni Goma sa kaniyang post na mayroong caption na, “Caption please.”



Tunay nga na wala nang makasasalungat pa sa katotohanang isa siya sa pinakagwapong aktor sa industriya at talaga namang napakapalad niya dahil sa napakaganda rin naman ng kaniyang misis na si Lucy Torres-Gomez. Sino ba naman ang makapagsasabing 45 taong gulang na siya?

Bukod sa hindi makabasag-pinggan na personalidad nito ay hinahangaan din ng marami ang mala-Dyosa nitong kagandahan na tila hindi na naaapektuhan ng paglipas ng maraming taon. Mula noon hanggang sa ngayon ay inspirasyon silang mag-asawa hindi lamang sa matatag at masayang pagsasama ng isang mag-asawa at isang pamilya kundi maging sa kanilang pangangalaga sa kanilang pangangatawan at kalusugan.




error: Content is protected !!