Arjo Atayde, apat na taon pa ang kailangang hintayin bago mapakasalan ang nobyang si Maine Mendoza!



Si Nicomaine Dei Capili Mendoza ay 25 taong gulang na aktres at personalidad sa telebisyon. Naging biglaan ang kaniyang kasikatan noon sa isang segment ng afternoon show na Eat Bulaga! na “Kalyeserye” na napanuod sa GMA network.


Nakilala din siya dahil sa kaniyang mga Dubsmash videos. Sa ngayon ay isa na nga siya sa pinakapopular at pinakahinahangaang celebrity sa bansa.



Bukod sa angkin niyang mga talento ay talaga namang minahal siya ng publiko dahil sa natural niyang kagandahan at pag-uugali. Sa pagdiriwang niya kamakailan lamang ng kaniyang ika-25 taong kaarawan ay bumuhos ang mga pagbati sa dalaga.


Taos-puso naman siyang nagpasalamat para sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta sa kaniya. Naitanong din sa Eat Bulaga! host kung wala pa sa plano nila ng kaniyang nobyo na si Arjo Atayde ang pagpapakasal at ito ang kaniyang naging sagot:


“Feeling ko by the time na makasal ‘yong dalawa kong kapatid, okay na rin for me to settle down. Before I turn 30 po siguro. When I turn 28 or 29 so that’s three or four years from now, malayo pa,” pahayag ni Maine.


Bagamat wala pa sa plano ng magkasintahan ang lumagay sa tahimik, masaya pa rin ang marami sa kanilang mga tagahanga na patuloy na nagiging matatag ang kanilang pagsasamahan at pagmamahalan. Sa ngayon ay nakakatuwang makita ang kanilang mga bakasyon at pamamasyal sa iba’t-ibang lugar at talagang makikita mo rin ang saya at galak sa kanilang mga mata dahil sa magkasama silang dalawa.


Ang nobyo ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde ay si Juan Carlos Ocampo Atayde sa tunay na buhay. Ang kaniyang mga magulang ay ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez at ang kaniyang ama naman ay isang businessman na si Art Atayde.



Panganay si Arjo sa apat na magkakapatid. Ang kapatid niya na si Ria ay isa ring mahusay na aktres.




error: Content is protected !!