Babala sa isang handaan, “Bawal po ang magbalot”, usap-usapan ngayon ng publiko!



Nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang mag-imbita ng kanilang mga malalapit na kaibigan o kamag-anak kung mayroong mga handaan o salo-salo na maaaring para sa isang binyag, kaarawan, anibersaryo, kasal, pista, at iba pang okasyon. Sa mga handaang ito ay mayroong mga inihandang pagkain para sa mga bisita kung saan maaari silang kumain ng libre hanggang sa kaya nilang ubusin ang mga pagkaing kanilang kukuhanin.


Ngunit tila naging mentalidad ng marami sa atin ang humingi ng “pasunod”, “take home”, o pabalot upang maiuwi ng ilang mga bisita sa kanilang tahanan. Wala naman sana itong problema lalo na kung marami naman talagang handa ang dinaluhang kasiyahan, ngunit paano kung sapat lamang o naka-budget lamang ang handaang iyong dinaluhan?



Paano na lamang kung mayroon pang mga dumating na ibang bisita ngunit wala nang maabutan pang pagkain dahil sa dami ng mga nagpabalot? Nakakalungkot man ngunit ito ay isa sa mga masasakit na katotohanan sa mga nakaugalian nating mga Pilipino.

Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na magbigay na ng isang babala o paalala ang isang handaan na ito na nagsasabing bawal magbalot dahil sa kaunti lamang ang kanilang handa. Ang karatola na ito ay diumanong isinulat ng sikat na mang-aawit at aktres na si Sharon Cuneta.


Ngunit ito ay naging isang termino na lamang dahil sa isa sa mga pinakasikat niyang awitin ay may mga linyang “Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal…” Talaga namang umani ng napakaraming komento at reaksyon sa publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Flora Malinay Bayona.


Ito ay kuha mula sa isa sa mga handaang kaniyang napuntahan na ibinahagi niya sa social media. Ang kaniyang post ay naging viral at mayroon na ngayong higit sa 1,500 reactions, higi sa 942 na mga komento, at higit sa 7,600 na shares habang isinusulat ang artikulo na ito.





error: Content is protected !!