Isang dating modelo at miyembro ng “Frontrow” ibinulgar ang “dark side” ng networking!



Marami na marahil sa atin ang nakakakilala sa isa sa pinakamalawak at pinakamalaking networking company sa bansa. Sa loob lamang ng ilang mga taon ay nagkaroon na ng milyong-milyo mga miyembro ang kompanya na ito sa iba’t-ibang panig ng mundo.



Sa ngayon ay itinuturing na din itong isang “multi-level marketing company”. Kilala ang kompanya na ito sa pagbebenta ng mga produkto at sa pagrerecruit ng mga bagong miyembro.


Ang mga nagmamay-ari ng kompanyang ito ay sina Raymond Francisco at Sam Versoza. Ngunit kung ang akala ng marami sa atin ay sadyang napakaganda na ng networking at napakarami nitong benepisyo para sa atin, hindi natin nababatid na mayroon din pala itong mga hindi kanais-nais na lihim na dapat nating malaman.


Isa sa mga miyembro ng Frontrow noon si Dave Villanueva ngunit kamakailan lamang ay mayroon siyang ibinulgar na talaga namang ikinagulat ng publiko. Si Dave ay isa sa mga top members ng nasabing kompanya at naging modelo na rin siya ang mga “skin whitening products” nito.

Naging laman na rin siya noon ng mga malalaking billboards sa pag-addvertise ng kanilang mga produkto. Noong Marso 4 ay dumulog siya sa “Aksyon sa Tanghali” na sikat na programa ni Raffy Tulfo. Sa kaniyang naging panayam ay ibinulgar niya ang katotohanan sa loob mismo ng kompanya. Malayo ang mga ito sa panglabas na anyong inaakala natin ay totoo.




Ayon kay Dave nais na niyang umalis sa kompanya noon pa man ngunit ayaw siyang payagan ng kanilang mga boss. Habang nagtatrabaho siya sa kompanya ay nagkaroon siya ng pagkakataong kumita ng malaking halaga ng salapi at makabili ng dalawang magagarang sasakyan.

Ngunit laking gulat na lamang niya ng hindi ibigay sa kaniya ng kaniyang mga boss ang pinagpaguran niyang mga sasakyan, isang Montero, at isang Ferrari dahil sa napag-alaman nilang aalis na ito sa kanilang kompanya. Kahit pa nga siya mismo ang personal na nagbabayad ng mga ito ay sa kompanya nakapangalan ang mga sasakyan.

Dahil dito ay hindi siya makaalis sa kompanya dahil na rin sa kanilang panggigipit. Dagdag pa niya ay ilang beses din siyang hindi pinapasweldo ng kompanya lalo na kung nakakagawa ng ilang pagkakamali ang kaniyang mga naging recruit.



Nangako naman si Raffy na tutulungan siya nito at ng programa na makipag-usap sa mga big boss ng kompanya upang masolusyunan na ang kaniyang hinaing.




error: Content is protected !!