Joseph Marco mayroon pa lang napaka-hot at napakagandang beauty queen girlfriend! Kilalanin siya.



Si Joseph Cecil Marco o mas nakilala ng publiko bilang si Joseph Marco ay 31 taong gulang na aktor, commercial model at mang-aawit. Gumanap na siya noon bilang si Santi Domingo sa drama series ng GMA Network na pinamagatang “La Vendetta”.



Sa ngayon ay isa na siyang Star Magic artist sa ABS-CBN at nabigyan na rin ng ilang proyekto tulad ng “Sabel”, “Honesto”, “Pasión de Amor” at Diego Turillo sa Wildflower. Nagkaroon na rin siya ng ilang mga commercial ads tulad ng “E-Aji Dip Snax”, “Downy” at “Head & Shoulders”.


Bukod sa mahusay na pagganap niya sa kaniyang mga karakter sa telebisyon man at mga pelikula ay hinangaan din ang aktor dahil sa kaniyang matipuno na katawan at napakagwapong mukha. Hindi na nakapagtataka na magkaroon siya ng napaka-hot at napakagandang nobya na isa rin pa lang beauty queen!


Talaga namang pinag-usapan ng publiko ang mga sweet na larawan ng dalawa sa social media. Ang nobya ng aktor ay walang iba kundi si Celeste Cortesi. Siya ay 22 taong gulang na Filipina-Italian na modelo at beauty queen na nagwagi ng korona ng Miss Earth Philippines 2018. Umani ng napakaraming komento at reaksyon sa publiko ang mga larawan nina Joseph at Celeste.


Talaga namang bagay na bagay ang dalawa para sa isa’t-isa. Taong 2019 nang umamin ang aktor na nagdedate silang dalawa ng beauty queen na si Celeste.




Hindi rin naman nagtagal at naging opisyal nang magkasintahan ang dalawa. Madalas din silang nagbabahagi ng kanilang mga larawan sa social media kung saan makikita ang dalawa habang nasa pool at talaga namang kapansin-pansin ang magagandang hubog ng kanilang katawan.


Maraming mga netizens ang talaga namang humahanga sa dalawang ito dahil sa matagumpay nilang karera sa ngayon at bukod pa rito ay talaga namang masaya sila na makasama ang isa’t-isa kahit pa nga madalas ay abala sila sa maraming mga bagay dahil sa kanilan propesyon.




error: Content is protected !!