Lovestory nina Manny at Jinkee Pacquiao, tulad rin ng kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo!



Ang pag-aasawa ay hindi isang madaling desisyon, noon at maging hanggang sa ngayon. Isa itong napakabigat na desisyon na talaga namang babago sa iyong buhay bilang isang indibidwal.



Bagamat mahirap at maraming mga pagbabago ay makakasanayan din naman ito kalaunan at mapangyayari din ang buhay na iyong pinakaaasam-asam. Ngunit aminin man natin o hindi ay marami sa atin ang talaga namang nakaranas ng maraming mga pagsubok at problema bago pa man makamtan ang kasiyahang mayroon na tayo sa ngayon.


Hindi naman na bago sa maraming mga Pilipino sa ngayon ang balita patungkol sa naging kaguluhan sa lihim na kasalan ng celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Nagkaroon ng komosyon ang pribado at simple nilang kasalan dahil sa pagdating ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.


Sa tinagal-tagal ng relasyon nina Sarah at Matteo ay nanatiling tutol ang ina ng singer sa kanilang pagmamahalan. At dahil sa napakaraming mga Pilipino rin ang nakakarelate sa kanilang naging karanasan, ibihagi kamakailan lamang ni Senador Manny Pacquiao na maging sila ng kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao ay nakaranas din ng parehong suliranin.

Ayon sa legendary boxer, tutol ang kaniyang ina na sa pagpapakasal nito kay Jinkee dahil sa mas gusto ni Mommy D ang dating kasintahan ng anak kaysa kay Jinkee. Narito ang naging pahayag ni Pacman:



“Itong Sarah and Matteo, na-experience namin ni Jinkee ‘yan…katulad ng naranasan nila ngayon. Engaged kasi ako before Jinkee. ‘Yung ka-engaged ko, ‘yun ang gusto ng mama ko. So, nakilala ko ‘tong si Jinkee. ‘Tapos noong sabi ko na magpakasal kami ni Jinkee, eh ayaw ng mama ko.” Pagbabahagi ng senador.

Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina noon ay talaga namang mapapansin na ngayon ay maayos na maayos na relasyon nina Jinkee at Mommy D. Ayon pa kay Manny, kung naging ganoon man ang isang magulang sa kaniyang anak ay hindi dapat magtanim ng sama ng loob ang anak o maging ang asawa nito dahil sa ang mga magulang ay dapat na iniintindi at minamahal.






error: Content is protected !!