Mahalaga ang paghihilamos ng ating mukha, bakit nga ba?



Marami sa ating mga Pilipino ang labis na nagbibigay ng halaga sa kalinisan, hindi lamang sa ating kapaligiran, o sa ating mga pagkain at inumin ngunit maging sa ating sariling pangangatawan. Ayon nga sa isang matandang kasabihan, ang pagiging malinis ay kasunod ng pagiging maka-Diyos.

Hindi lamang ang ating mga puso, isipan at kaisipan ang dapat nating panatilihin malinis kundi maging ang ating mga sarili. Unang-una na ang ating mukha na siyang salamin ng ating pagkatao. Mukha ang unang tinitingnan ng ibang tao sa atin. Dito rin tayo unang nahuhusgahan kung tayo ba ay maganda, maamo, mabait, o suplada.



Ngunit bago pa man tayo husgahan ng maraming mga tao sa ating paligid, hindi natin dapat kalimutan na panatilihing malinis ang ating sarili, particular na ang ating mukha. Kamakailan lamang ay nagbigay ng ilang mga paalaala ang sikat na doktor at social media personality na si Doc Willie Ong sa kaniyang Facebook page.


Nakasaad dito ang mga kahalagahan ng paglilinis natin ng ating mukha o ang ating paghihilamos. Ayon sa payo ni Doc Willie, para gumanda ang ating balat ay dapat tayong maghilamos ng mukha sa umaga at sa gabi bago tayo matulog.


Pinabulaanan din niya ang mga kasabihan patungkol sa diumano ay masama raw ang paghihilamos ng mukha lalo na kung puyat, galing sa trabaho o sa paggamit ng computer, cellphone, at iba pang gadget, walang tulog o di kaya naman ay kung bagong gising. Dagdag pa ni Doc Willie ay maraming naiipon na muta, dumi at bacteria sa mukha natin kung kaya naman mas mainam na huwag ito kaliligtaang hugasan at hilamusan ng maayos.


Nagbigay din siya ng babala para sa mga taong hindi naghihilamos ng kanilang mukha dahil sa may malaki ang tyansa ng pagkakaroon ng pimples, kuliti o impeksyon sa mata, at pamumula ng mata ang mga taong hindi naghihilamos ng kanilang mukha. Ang pagkakaroon din ng maraming muta ay isang senyales na maraming mikrobyo na ang ating mata.

Source: Doc Willie Ong






error: Content is protected !!