Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, labis na hinangaan ng publiko dahil sa kanilang kakaiba at buwis-buhay na “Underwater Prenup Sh00t”!



Wala tayong ibang nanaisin pa sa ating kasal kung hindi maging maayos ang lahat at maging matagumpay. Ngunit bukod pa rito ay marami din sa atin ang nangangarap na magkaroon ng enggrandeng kasal kung saan maiimbita mo ang iyong mga kaibigan, kamag-anak, at buong pamilya.


Napakasarap din pangarapin ang isang kasal na hindi malilimutan dahil sa pagiging kakaiba nito. Tulad na lamang ng mga kasalang nababalitaan natin sa ngayon na mayroong iba’t-ibang mga gimik.




Mayroong mala-Fairytale ang datingan ng kasal magmula sa seremonya hanggang sa reception. Mayroon din namang elegante at magarbong pagdiriwang habang ang ilan ay mas gusto ang eco-friendly o di kaya naman ay minimalist-style wedding.


Kamakailan lamang ay isa na namang kakaibang paghahanda para sa kasal ang sumorpresa sa publiko. Ito ay ang prenup sh00t ng celebrity power couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Hindi ito tipikal na prenup sh00t lamang dahil sa ilalim ng dagat kinuhanan ang ilan sa kanilang mga makapigil-hiningang larawan. Ibinahagi ng sikat na photographer na si Pat Dy ang naging pambihirang karanasan nila para sa kakaiba ngunit napakagandang “Underwater-themed prenup sh00t” nina Richard at Sarah.



Ilan sa mga naging pangunahing problema nila ay ang mga kagat ng dikya at ang pagkakainom ng tubig ng engaged couple bago makuha ang inaasam nilang magagandang larawan. Sa El Nido, Palawan ginawa ang kanilang prenup sh00t na isa sa pinakapaboritong lugar nila sa bansa.


Si Richard Kristian Rama Gutiérrez ay mas nakilala ng publiko sa kaniyang screen name na Richard Gutierrez. Siya ay 36 na taong gulang na modelo at aktor.



Isa rin siya sa mga anak ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez. Mayroon siyang kakambal na kilala rin sa entertainment industry, si Raymond Gutierrez na isang host, editor, columnist, endorser, entrepreneur at social media influencer.

Ilan pa sa kaniyang mga kapatid ay sina Ruffa, Rocky, Elvis, Raymond, at Ritchie. Sina Tonton at Ramon Christopher naman na mga aktor din ay “half-brother” nila.


Biniyayaan ang aktor ng dalawang anak na sina Zion at Kai sa kaniyang longtime girlfriend. Ikakasal na sila ng aktres at modelo na si Sarah Lahbati Marso ngayon taon.




error: Content is protected !!