Isang babae na pumakyaw sa mga paninda ng isang lolo sa bangketa upang makauwi na ito ng maaga at makapagpahinga, umani ng papuri mula sa mga netizens!



Sa panahon natin ngayon, nakakalungkot mang isipin ngunit mas marami na tayong nasasaksihan na mga hindi magandang pangyayari. Maraming mga magagandang kaugalian noon ang mga Pilipino na tila unti-unti nang niluluma ng panahon at kalaunan ay tuluyan nang maglalaho.



Ang simpleng paggalang lamang sa mga nakatatanda o sa mga magulang sa pamamagitan ng simpleng pagsasabi ng “po” at “opo” ay tila nawawalan na ng kahalagahan. Madalas na makakakita o makakasalamuha tayo ng anak at magulang na kung mag-usap ay tila wala nang paggalang sa isa’t-isa.


Ang pagrespeto o paggalang sa mga nakatatanda ang isa sa pinakamahalagang bagay na itinuturo sa atin noon ng ating mga lolo at lola at maging ng ating mga magulang. Bukod pa rito ay ang taos-pusong pagkakawanggawa o ang pagbibigay ng bukas-palad na pagtulong sa ibang tao, kadugo mo man ang mga ito o hindi.


Tulad na lamang ng isang ginang na ito na kasama ng kaniyang mister ay hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang masipag na matandang naglalako ng nilagang kamote at saging sa kabila ng edad nito at kapansin-pansin ding hirap na itong kumilos. Ayon sa netizen na nagbahagi ng nakakabilib na larawan at video na si Jolina Pantilla Serit, ibinahagi niya lamang ito sa social media dahil sa labis siyang natuwa sa pagtulong ng babae sa matandang lalaki na nagtitinda.


Pinakyaw nang lahat ng babae sa video at ng kaniyang asawa ang paninda ni lolo upang makauwi na ito sa kanilang tahanan at makapagpahinga. Ang halagang ibinigay ng mag-asawa ay sobra-sobra na rin para sa buong araw na kita ng matanda.



Dagdag tulong na rin diumano ito sa masipag na lolo. Umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens ang mag-asawa na ito sa ginawa nilang tulong sa matandang lalaki.

Tunay nga na lubos din silang pinagpapala kung kaya naman sobra sobra din ang pagbabalik nila ng pagtulong sa iba.




error: Content is protected !!