Isang crew sa Jollibee labis na nalungkot nang mabasa ang iniwang mensahe ng isang customer sa kanilang tisyu!



Nakasanayan na ng maraming pamilyang Pilipino ang magdiwang sa ilang mga kilalang kainan sa bansa. Ilan sa mga okasyong madalas nating ipagdiwang sa mga kainan na ito ay mga kaarawan, anibersaryo, monthsarry, binyag, graduation, recognition, at marami pang iba.


Tunay nga na kakaibang kasiyahan ang nararamdaman natin sa tuwing nakakasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa mga ganitong uri ng pagdiriwang. Ngunit kung inaakala natin na puro kaligayahan, pagdiriwang at kasiyahan lamang ang naidudulot nito marahil ay nagkakamali tayo.



Dahil kamakailan lamang ay nagtrending ang kwento na ito ng isang customer sa isang Jollibee branch na nagsulat ng nakakalungkot na mensahe sa isang tisyu na nakita at nabasa ng isa sa mga crew nito. Ang crew ng naturang Jollibee branch na siyang nagbahagi ng kwento na ito sa socia media ay walang iba kung hindi si Mark Noguera.


Nakasulat sa iniwang tisyu ng customer na ito na diumano ang kaniyang huling pagkakataon na makakain at ma-enjoy ang paborito niyang pagkain sa Jollibee. Ito ay dahil sa pinagbawalan na siya ng kaniyang doktor na kumain ng hindi masusustansiyang pagkain dahil sa siya ay mayroong sakit na Stage 2.


Dalangin din ng naturang customer na sana ay gumaling na siya kaagad upang hindi niya masyadong mamiss ang mga pagkain sa sikat na kainang ito. Ibinahagi naman sa naging post ni Mark na diumano ay naaalala niya ang hitsura ng customer na ito na nasa higit 20 taong gulang at nakasalamin na kumain sa isang branch ng Jollibee na matatagpuan sa Signal Village bandang alas-tres ng hapon.


Ipinahayag niya ang dalangin ng lahat ng staff ng nasabing establisyemento para sa agarang paggaling ng isa sa kanilang masusugid na customer. Pinaalalahanan niya rin ang babae na ito na huwag mawawalan ng pag-asa dahil sa mayroon tayong Diyos na matatakbuhan sa mga panahong kinakailangan natin siya.




error: Content is protected !!