Taxi driver na tumulong sa isang guro na pupunta sa Oath-taking ceremony, umani ng maraming papuri mula sa publiko!



Marami na sa ating ang nakaranas ng “wardrobe malfunction”, at talaga namang hindi kanais-nais ang ating naaalala sa mga ito. Hindi madaling masolusyunan ang mga ganito klase ng sitwasyon lalo na kung sa espesyal na araw mo ito nangyari.



Tulad na lamang ng nangyari sa isang guro na nasiraan mismo ng kaniyang pantalon habang siya ay patungo sa kaniyang Oath-taking ceremony. Ngunit sa pagkakataong akala niya ay wala na siyang iba lang mahihingian ng tulong, ang taxi driver na ito ay hindi nagdalawang-isip na tulungan siya kahit wala na ito sa kaniyang trabaho bilang isang driver.


Ang naturang guro ay nakilala bilang si Novie Joy Balete Venteroso na papunta noon sa kaniyang Oath-taking ceremony para sa mga bagong lisensyadong guro sa Iloilo Convention Center (ICC). Nasa sasakyan na siya noon bandang 7:30 ng umaga at 30 minuto na lamang at magsisimula na ang seremonya nang mapansin niya ang malaking sira sa kaniyang pantalon.


Nakiusap siya sa taxi driver na maghanap sila ng bukas na tahian upang maipaayos ang kaniyang pantalon ngunit walang bukas na tahian nang ganoon kaaga lalo na at Linggo pa. Kung kaya pinayuhan siya nitong sa palengke na lamang sila magtungo at bumili ng sinulid at karayom.



Dahil sa sobrang nerbyos na hindi na siya makakaabot pa sa seremonya ay talaga namang nanginginig ang kaniyang mga kamay kung kaya naman nakisuyo siyang muli sa driver na bumili na lamang ng “superglue” ngunit hindi rin ito umubra. Dahil sa umiiyak na siya ay nagmagandang-loob na ang driver na siya na mismo ang tatahi ng kaniyang pantalon at binigyan pa siya nito ng kaniyang extra na tshirt upang mayroon siyang pangtakip habang inaayos nito ang sira sa kaniyang pantalon.

Labis labis ang pasasalamat ng guro ngunit nang kunin na nito ang pangalan ng driver ay codename na lamang nito ang kaniyang ibinigay. Ang driver na mayroong codename na “Magic” ay nakilala rin bilang si Remy Surita Jr. ng “Light of Glory Taxi Services”.




error: Content is protected !!