Enggrandeng kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa Italy, kumpirmado at tuloy na tuloy na!



Naging kontrobersyal ang pagpapakasal ng sikat na mang-aawit na si Sarah Geronimo sa aktor na si Matteo Guidicelli. Ito ay dahil sa pagtutol ng ni Mommy Divine na ina ng kaniyang longtime girlfriend na si Sarah.



Hindi man naging madali ang kanilang mga pinagdaanang pagsubok at hamon at sa kanilang buhay pag-ibig ay masaya na ngayon ang dalawa dahil sa wakas ay nakapagpakasal na sila. Maging ang marami nilang mga tagahanga at tagasuporta ay talaga namang wala ring mapagsidlan ang kaligayahan.


Dahil sa napabalitang lihim na kasalan ng celebrity couple marami ang nagtatanong kung kailan nga kaya nila maisasakatuparan ang plano nila na isang enggrandeng kasalan sa Italya? Ayon sa ilang mga ulat, nakapanayam ni ng reporter na si MJ Felipe si Matteo Guidicelli at kinumpirma nga nito na tuloy na tuloy ang kanilang kasalan sa ibang bansa.


Nagpahayag din naman ng pasasalamat ang aktor sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanilang mag-asawa. Marami nga ang kinilig nang mamataan ang bagong kasal na namimili ng mga gamit sa kanilang magiging tahanan kung saan kasama pa nila ang celebrity doctor na si Vicki Belo.


Ito na ang “wedding gift” ng mayamang doktora sa bagong kasal. Bukod kay Dra. Belo ay imbitado din sa enggrandeng kasalan nina Matteo at Sarah si Boss Vic ng Viva Entertainment na kanila din namang talent manager.



Tunay nga na hindi naging maganda ang karanasan nina Matteo at Sarah dahil sa pagtutol ng pamilya ng huli sa kanilang pagmamahalan ngunit sa kabila nito ay nanindigan pa rin siya at ipinaglaban ang kaniyang tunay at wagas na pagmamahal sa aktor. Gayundin naman ay naging kahanga-hanga rin si Matteo dahil sa pinaglaban din niya si Sarah sa kabila ng napakaraming hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Tiyak na nagsilbi nang aral ito sa maraming mga magulang na hindi naman masamang protektahan ang iyong mga anak sa mga bagay na maaaring makasakit sa kaniya ngunit kung ang kaligayahan naman niya ang nakasalalay dito ay mas mabuti pa sigurong hayaan na natin silang magdesisyon lalo na kung nasa wastong mga edad na sila at kahit papaano ay nakatulong na rin sila sa kanilang mahal na pamilya.




error: Content is protected !!