Mommy Divine ayos lang magmukhang kontrabida kaysa magmukhang pinabayaan niya ang anak na si Sarah!



Bilang mga magulang, wala tayong ibang ninanais kung hindi ang ikabubuti at ikasasaayos ng buhay ng ating mga anak. Kahit gaano man kahirap ang buhay natin sa ngayon, wala pa ring papantay sa sakripisyo at sa pagtitiyaga ng ating mga magulang para lamang sa atin.


Kung kaya naman hindi rin natin sila masisisi kung maging mahigpit sila sa atin at sa mga desisyong ating ginagawa. Ngunit hanggang saan nga kaya ang limistasyon ng pagiging isang mabuting magulang para sa ating mga anak?




Hindi lingid sa publiko ang naganap na kaguluhan sa naging pribadong kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo Pebrero ngayong taon. Ayon sa ilang mga ulat ay galit na galit at nag-eskandalo pa ang nanay ng singer sa naturang event dahil sa labis na pagtutol nito sa kasalan ng celebrity couple.

Dahil dito ay maraming mga netizens din ang nagpahayag ng kanya-kanyang mga saloobin tungkol sa pagiging magulang ni mommy Divine sa kaniyang anak na si Sarah. Mayroon din namang ilang mga artikulo at ulat noon na lumalabas na diumano ay ayos lamang kay mommy Divine na maging kontrabida siya sa buhay ng kaniyang mga basta.


Ayon pa sa kaniya ay ito ang kaniyang paraan upang madisiplina ang kaniyang mga anak at upang mapalaki niya ang mga ito ng mabuti. Maraming tumatawag kay mommy Divine bilang isang stage mother.


Maraming mga negatibong komento na diumano ay tila sumusobra naman yata ang paghawak niya sa kaniyang anak na si Sarah dahil kahit pa nasa tamang edad na ito ay hindi pa rin niya ito pinapayagang lumugay sa tahimik na naging dahilan na rin upang magpakasal si Sarah at Matteo nang palihim. Kahit pa maraming mga negatibong komento ang natatanggap ni mommy Divine ay patuloy pa rin niyang pinaninindigan na ginawa niya ang lahat para lamang sa ikabubuti ng buhay ng kaniyang mga anak at wala nang iba pa.





error: Content is protected !!