Guro hinihikayat ang kaniyang mga estudyanteng Grade 3 na mag-ipon at mag-impok ng pera habang bata pa!



Maraming mga magulang sa ngayon ang tiyak na sasang-ayon na sa murang edad ng kanilang mga anak ay tinuturuan na nila ito ng mga kabutihang asal at mga bagay na tiyak na makatutulong sa kanila sa kanilang paglaki at sa kanilang magandang kinabukasan.



Kamakailan lamang ay umani ng papuri mula sa publiko ang guro na ito dahil sa nais niyang maturuan ang kaniyang mga estudyanteng magkaroon ng pagpapahalaga sa pera at kahit sa murang edad ay makasanayan na rin nila ang pag-iimpok.


Ang guro na ito ay walang iba kundi si Jeanne B. Olavire na isang guro sa Roosevelt Elementary School sa San Vicente sa Quezon. Maraming mga netizens ang naniniwala na murang edad ng mga kabataang ito ay tiyak na maipupunla sa kanilang puso at isipan ang karunungang pinansyal na ito na makatutulong din para sa kanilang kinabukasan hanggang sa kanilang pagtanda.


Ang kwento na ito ay ibinahagi sa Facebook Page na CFO PESO SENSE kung saan ito kaagad na nag-viral. Ayon sa guro ay mayroon silang leksyon sa Filipino kung paano sumunod sa mga panuto.



Isang parte na sa leksyon nilang ito ang pagsunod ng mga estudyante sa mga panuto kung paano gumawa ng alkansiya mula sa mga recycled na materyales tulad na lamang ng plastik na mga lalagyan ng alkohol o pulbos, kahon ng mga sapatos at marami pang iba. Matapos nito ay kailangan nilang ibalot ang natapos nilang alkansiya sa recycled na gift wrapper o di kaya naman ay sa mga colored paper.



Dahil nga sila ay nasa pangpubliko paaralan hindi lahat ay kayang sumali sa “Class Ipon Challenge” ngunit hinikayat pa rin ng guro na maghulog ang bawat isa nang kahit magkano na matitira mula sa kanilang mga baon. Tuwang-tuwa ang mga bata nang mabuksan nila ang kanilang mga alkansiya at makita ang kanilang mga naipong barya.




error: Content is protected !!